Chapter 5

172 13 14
                                    

Chapter 5



Check Up


Rain Andaza Point of View




Kinabukasan walang pasok. Sabado. Kaya naman makakapag pahinga ako ng ilang araw. Balak ko sanang umabsent ng Monday kahit may PE kami non. Babawe na lang ako sa susunod. Mas kailangan kong ipahinga ang utak ko para bumalik muli ang lakas ko. Hindi lang yun hindi ko pa handang makita si Zen at sa nagyare din kaya ayaw ko pa pumasok.




Siguro dahil sa sinabe nya sa akin at lagi syang nadadawit sa akin. Minsan naisip ko pag dumidikit ako sa kanya parang laging may mangyayare sa akin na hindi maganda. Marahil totoo yung sinabe kagabe ni Kuya Thunder sa akin na pag dumikit ako sa kanya ay mapapahamak ako. Ngunit dapat ko ba talaga syang layuan?





"Rain?" bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Ate Summer. Nagawa ko na ang daily routine ko sa umaga. Nakapag tiklop na ako ng damit namin at nagawa ko na rin mag linis ng bahay. Nagpapahinga lang ako sa kwarto dahil mas maaliwalas ang hangin na nagmumula sa bintana.




"Bakit?"





"May bisita ka," wika nito sa akin. Nagpasya akong tumayo at lumabas ng kwarto. Sabay kami ni Ate Summer na pumunta sa sala.





Nagulat pa ako ng dumating si Doc Zei at Azrah. Hindi ko akalain na bibisita sila sa amin. Pinaupo na sila ni Ate Summer sa mahabang sofa na di kahoy. Umupo na rin kami sa single na upuan. Nakita kong binigyan na pala sila ni Ate Summer ng maiinom pero mukhang si Azrah lang ang naka ubos non. Milo kase ang binigay ni Ate at palagay ko hindi nainom si Doc Zei non.





"Magandang umaga senyo," bati ko sa kanila. Parehas silang ngumiti sa amin kaya sinuklian naman ni Ate Summer iyon.

Black Inferno: Half-Hearted (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon