Chapter 20

91 3 0
                                    

Chapter 20





River flows in you






Rain Point of View





Tahimik lang akong nakatingin sa mga nag sasayaw. Tapos na ang laban kung kaya't pagtapos ng dance number ay kami na ang susunod na mag peperform. Ang laban sa dalawang kukunan ay halos dikit ng tatlong puntos. Sila Zen ang nanalo. Hindi ko man nakita ang naging laban nila ay naging maganda naman ito siguro. Dumeretso na kase ako dito sa back stage para mag relax. Iyon ang ginawa ko hanggang sa matapos ang laban nila.





Dumating agad si Sage ngunit hindi ko ito pinansin. Batid kong alam nyang malungkot ako dahil hindi ko sinasagot ang mga tanong nya. Hindi na nya kailangan natuningin kung bakit dahil alam kong alam naman na nya.





"Rain, kailangan na natin pumunta sa gitna ng court." napabalik ako sa aking wisyo ng kulbitin ako ng ilang beses ni Hope. "Kanina ka pa nakatulala, okay ka lang ba?" tumango ako sa tanong nya bago tumayo.





Nakita kong nakatingin lang sa akin si Sage. Mukhang nag aalala sya sa kalagayan ko pero ngumiti lang ako sa kanya.





"Oh basta galingan nyo ah?" bilin ni Hope. Tumango ako sa kanya bago sumunod kay Sage na nauna ng lumabas sa backstage at pumunta sa may gitna ng court. Pumunta na rin ako doon. Halos mabingi pa ako sa hiyawan ng nga estudyante. May iilan pang nagbubulngan dahil kasama ako ni Sage at kung ano ano pang pinagsasabe.





Hindi ko sila pinansin bagkus ay tahimik lang naglalakad papunta sa sentro. Nakahanda na ang mga instrumento at hudyat na lang ang hinihintay. Binuksan ko na ang violin para ihanda ang aming pagtatanghal.

Black Inferno: Half-Hearted (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon