Chapter 11

145 11 6
                                    

Chapter 11




Feelings




Rain Point of View





Nagsusulat ako ng aking assignment sa library dito sa school. Vacant namin ngayon dahil may gagawin yung prof namin pero nag iwan naman sya ng gagawin kaya ginagawa ko na para hindi na hassle. Mas maiging matapos ang gawain kesa nakatambak lang nasasayang oras pag ganon.





Napakamot ako sa aking ulo dahil hindi ko makuha yung tamang sagot. Ilang beses ko ng na try pero hindi talaga akma kaya madami ang crumpled papers na nakakalat dito sa lamesa ko. Maarte pa naman yung prof ko ayaw ng may bura kaya ilang beses akong umuulit.





Pupunitin ko sana ulit yung ginawa ko ngayon ng mapansin kong may umupo sa tapat ko kaya napaangat ang tingin ko dahil doon. Tumambad sa akin ang mukha ni Storm na naka taas ang kilay. Para syang badtrip na kung anong dahilan.





"Anong problema?"




Sinamaan nya ako ng tingin na parang bawal akong magtanong ng ganun. Weird talaga itong kapatid ko. Concern lang naman ako baka malaki yung problema nya eh.




"Wala."




Tumingin sya sa iba pero nakita ko na nagtiim bagang sya kaya sinundan ko ang tingin nya sa labas. Dumaan sa hallway si Zen kasama si Darylle at Damien pero may kasama silang babae. Umiwas na lang ako ng tingin upang hindi na makita ang ganong eksena.




Black Inferno: Half-Hearted (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon