Chapter 25
Kwek kwek
Rain Point of View
Napatingin ako sa ulap na medyo maaliwalas. Mukhang maganda ang panahon ngayon kung sa bagay wala naman akong nabalitaan na mayroong bagyo na paparating. Kaya ang sikat ng araw ay sobrang maaliwalas din. Ngumiti ako bago nagpatuloy ako sa paglalakad habang papunta sa pwesto ko. Iyong malimit kong puntahan na benches malapit sa race track.
Mapuno kase doon tyaka masarap ang simoy ng hangin. Doon ko din kase nakita si Zen kaya susubukan ko na baka magkita ulit kaming dalawa. Pagpunta ko doon ay agad akong sumalampak sa bench at tumingin tingin sa paligid kung may bakas na pigura ni Zen ngunit wala.
Okay lang din para hindi ako distracted sa inaaral ko. Binuklat ko ang librong binabasa about sa business. Mag sisimula pa lang ako magbasa ng mapansin ko sa aking kanang bahagi na mayroong tao na nakasandal sa puno. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ko kung sino yun. Napatayo ako sa gulat at dali dali pang binitbit ang libro ko na nasa table maging ang bag ko bago kumaripas ng lakad patungo kay Zen na nagbabasa ng libro. Mukhang tapos na ang klase nya kaya nandito sya ngayon. Hinihintay nya siguro yung iba nyang kaibigan na mayroon pa atang klase.
Pagkarating ko ay umupo ako sa tabi nya bago tumikhim. Tumingin sya sa akin bago tumaas ang kilay. Napangiti na lang ako dahil sa ginawa nya. Iyon pa lang yun paano pa ang ibang kilos nya? Para na siguro akong kinikilig.
Napatingin ako sa librong binabasa nya. "Ano yan?"
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...