Chapter 10
A/N: This chapter is dedicated to OREONIYEON Thank you for making a book cover for my story.
The Deal
Rain Point of View
Napatingin ako sa kalangitan na pasikat pa lang ngayon. Napangiti ako habang pinagmamasdan iyon. Ang ganda kase panoorin ang pagsikat ng araw mas lalong gumaganda ang mood mo. Uminat ako para bumanat naman ang mga buto ko at tama ang hula ko dahil nagtunugan iyon.
Ngayon ang huling araw namin dito sa probinsya. Hindi ko nga alam kung anong lugar ito basta malayo yung Manila. Siguro mga limang oras bago ka makarating doon. Pero gaya ng sinabe ko ito na yung huling araw kaya ienjoyin na lang daw namin habang hindi pa na uwi. Hindi na sila nababahala na maligaw kami kase halos naikot na ata namin ang pasikot sikot doon tyaka may dala naman akong phone para kapag nawala ako madali na nila ako hanapin gawa ng GPS.
Nagtungo ako papasok sa gubat hanggang sa makarating ako sa aking pinuntahan. Nandito ako ngayon sa isang lugar na malayo sa tent. Dito sa mismong falls iyong lugar na unang panalo namin ni Thea. Ewan ko nga ba kung bakit gusto ko pang mag gala ngayon imbes na mamahinga na lang at mag ayos ng gamit para sa pag alis namin ready na ako.
Naglakad ako sa pangpang yung malayo sa tubig. Naka jeans na kase ako at naka t-shirt. Masasayang lang ang tuyo kong damit kung lulusom pa ako sa tubig. Ilan lang din kase ang dinala kong damit at mahirap pang patuyuin iyon.
Sakto namang napatingin ako sa damit na nasa buhangin mukhang may tao. Tinignan ko yung damit at mukhang familiar sa akin. Inamoy ko ito hanggang sa mapagtanto ko kung kanino ito.
Hala! Dapat hindi ko na inamoy dahil nakakahiya at mabilis kong hinahanap kung nasaan iyon. Hindi ko talaga inaasahan na nandito sya ngayon sa kabila ng narinig ko ang pag uusap nila kahapon. Iniwasan ko sya at hindi ako pumunta sa tent nila hindi din naman nila ako tinatawag kaya mabuti na rin yun. At ngayong iniiwasan ko sya magpapakita naman ito.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...