Chapter 17

94 3 0
                                    

Chapter 17




Sembreak




Rain Point of View





Inangat ko ang aking kamay at tinignan ito. May benda pa rin ang aking kamay dahil nga sa nangyare. Hindi ko alam na nagkaroon pala ako ng sugat kaya tapos medyo sprain ito kaya hindi pa masyadong magaling. Mabuti na lang talaga dahil nakalabas na kami ng hospital ni Ate Summer. Iyon nga lang hindi kami ang nagbayad non dahil ang mga Montello ang nagmamay ari ng hospital na 'yon.





Mabuti na lang talaga dahil sembreak ngayon kung hindi may maapektuhan talaga na subject sa amin.




From: Lyra Narri Naval

         Buksan mo yung pinto nyo. Nandito ako sa labas ng bahay nyo.




Napabangon ako agad sa biglaang text ni Narri. Mabilis akong tumayo mula sa double deck na kama.




"Saan ka pupunta?" tanong ni Ate Summer na nakahiga pa din.




"May bisita po kase ako."





"Kaya mo na bang asikasuhin?"




"Opo. Wag na kayong mag aalala. Magpahinga na lang kayo dyan."


Black Inferno: Half-Hearted (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon