Chapter 26
Damery
🍁🍁🍁
Rain Point of View
"Ano yung naririnig ko?" pang bungad agad sa akin ni Thea sa hallway. Hindi nya kase matanong sa akin iyon kanina dahil may klase. Ngayong tapos na, eto nambubulabog. Hindi ko nga din alam yung ibig nyang sabihin na mayroon syang narinig na balita.
"Anong narinig mo?"
"Wow, si ate mong pa showbiz." sabay taas nya ng kilay sa akin "But anyway, back to the topic tayo. Balita kaninang umaga na magkasama kayo ni Zen."
"Oh tapos?"
Napasimangot sya sa sinabe ko. "Duh! Kalat iyon sa buong sulok ng Ridgecrest M University. Magkasama kayo ni Zen at angkas ka pa nito kahapon." asik nito bago nya ako pwersahan hinarap sa kanya kaya napatigil kami sa paglalakad. Marami tuloy napatingin sa amin.
"Anong masama naman don?"
"Walang masama pero ang tinatanong ko kanina pa anong meron sa inyong dalawa?"
"Wala naman,"
"Wala?!"
"Oo wala nga," nagpatuloy kami sa paglalakad na sinusundan naman nya ako.
"Talaga lang ha?" she mocked at me with disbelief.
"Believe me or not wala talaga, Thea." napaliko kami sa may hallway. Palabas na kami ng building ng makita namin si Nari na naglalakad papunta sa amin.
"Hey bitch," wika ni Thea kay Nari na kinalingon ko sa kanya
"Fvck you, bitch!" sabay midfing sa ere ni Nari ng makapunta sya sa harapan namin. Napahinto kami saglit sa paglalakad upang kausapin namin si Nari. She's looking at me like she wanted to say something.
"Hula ko kaya ka nandito para tanungin si Rain kung bakit nya kasama si Zen?" sabay ngisi ni Thea kay Nari. Sinamaan sya ng tingin nito bago tinarayan.
Nagbuntong hininga na lang ako. "We just bought some street food and that's it. Hindi kami nag date o kung ano pa man ang nasa isip nyo." pagpapaliwanag ko sa kanya. Naisip ko bigla yung nangyare kahapon. Mukha bang nag date kami?
"Wala naman kaso sa akin kung mayroong namamagitan sa inyo. Pero mag ingat ka dahil isa syang Montello." wika nitong seryoso
Nagbuntong hininga ulit ako habang napahawak sa aking sintido. Ilang beses na ba akong nag bubuntong hininga? Bigla tuloy sumakit ang ulo ko sa kanila. Ano bang nangyare sa dalawang ito?
"Mabuti pa punta na lang kayo sa next class nyo." wika ko sa kanilang dalawa
"Mamaya pang 4 ang next class ko." sagot ni Thea bago tumingin sa kanyang relong pang bisig.
"Same," sagot naman ni Nari. Mayroon silang isang oras na vacant kaya hinayaan ko na lang sila. Nagsimula kaming maglakad habang nakasunod sila sa akin.
"So kamusta kayo ni Darylle?"
"Eh kayo ni Leonardo? Kamusta na rin kayo?"
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...