Chapter 3
Doctor Zei
Rain Point of View
Second day! Naka survive ako sa first day iyon nga lang mas iba ngayon kesa kahapon. Pag napunta ako sa cafeteria binabato nila ako ng kung ano. Pero napapatigil sila pag dumadating ang grupo nila Zen. Bumili na nga lang ako ng biscuit tapos nagmamadaling makalabas sa loob ng cafeteria. Mabuti na nga lang nakita ko agad si Thea Rances. Yung seatmate ko kanina. Wala daw sya kahapon dahil sumali sya sa isang organization na ang pangalan ay The Ruler. Sila daw kase nagpaparusa sa mga taong sumasaway sa mga rules and regulations ng University.
Kung sino man ang lumabag doon ay mismong may ari ng school na ito ang magpaparusa o di kaya deretso expelled na.
"Thea!" mabilis akong nag tago sa likod nya na parang batang laging inaapi ng mga bully.
"Anong nangyare sayo?" tanong nito sa akin pero hindi ako sumagot dahil tinitignan ko baka may humabol sa akin at batuhin na lang kami bigla.
"Sabihin mo sa akin. Inaapi ka naman ba ng mga estudyante dito?" tanong nya. Hinarap nya ako sya mismo ang nagpagpag sa mga pagkain binato sa akin.
"Tamo meron ka pang sugat sa pisnge!" Galit na wika nito sa akin. Kumuha ako ng band aid at binigay sa kanya. Kinuha naman nya iyon at sya mismo ang naglagay sa aking pisnge.
"Pag talaga ginawa ulit nila yun! Ako mismo ang tatawag kay Ate Damery." asik nito bago ako hinila. Kaso napatigil din kami agad ng may makasalubong kaming lalaking naka kulay blue ang buhok na mayroong hikaw din pero hindi yun ang nag paagaw ng pansin ko dahil katabi nito si Storm na nakakunot ang noo.
"Zenon! Ang mga classmate mo na naman ata ang nag aalipusta sa kaibigan ko. Pag hindi mo sila pinigilan ako magsusumbong kay Ate Damery na hinahayaan mo ang nga bata mong mambully!" galit na wika ni Thea doon sa naka kulay blue na buhok. Medyo hawig nito ang mata ni Zen at ni Damien yung lalaking kasama ni Zen sa probinsya.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
AksiyonWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...