Chapter 4
Sorry
Darylle Point of View
Tahimik lang ako ng pinapagalitan ni Doc Zei si Zen na walang paki alam sa sinasabe nito. Alam kong hindi sinasadya 'yon ni Zen. Ishoshoot kase ni Xeth ang bola sa ring kaso naagaw ni Zen ang bola sa ere. Sakto na nadulas ang kamay ni Zen kaya tumama ito kay Rain na pupunta sa bleacher. Also, that time nasa loob ng linya si Rain dahilan kung bakit natamaan ito.
Ngayon nandito kaming pito sa aming headquarters. Si Zen naman ay natutulog lang. Dahil kinuha ang kanyang motor, sasakay ito ngayon sa kotse nila pero may driver syang kasama.
Hindi naman umangal itong si Zen. Mukhang may problema itong hinaharap dahil kanina pa tahimik. Pansin kong medyo wala ito sa sarili mula pa kanina. Hindi ko na lang ito masyadong pinansin baka kase kay Rhin na naman iyon. Hindi din naman kase nagsasabe si Zen ng problema dahil mas gustong nyang sarilin ito. Naririnig ko lang kay Damien dahil iyon ang madalas nyang kasama sa bahay nila.
Napaangat ang tingin ko ng biglang tumayo sina Zach, Zero, Damien, Eros at Xeth. Yung iba kase ay may lakad na pupuntahan kaya kami na lang ang natira. Mabuti na rin iyon dahil walang maingay. Ayaw pa naman ni Zen pag maingay hindi sya makapag isip isip. May kanya kanya naman kaming ginagawa kaya tahimik ang buhay ni Zen ngayon.
"Saan kayo pupunta?" tanong ko habang tumayo na rin
"Sa may abonadong gusali na madalas natin pagtambayan. May naiwan kase akong gamit don." sagot ni Xeth. Maganda na rin iyon para magkaroon malibang naman kami. Hindi ko gustong nandito lang sa headquarters habang nagmumokmok.
"Ikaw Zen? Hindi ka ba sasama?" tanong ko sa kanya. Nakasandal na naman kase ang ulo nya sa backrest ng single sofa. Pag ganyan yan malamim ang iniisip. Kung alam ko lang yung problema nya natulungan ko pa sya.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...