Prologue

3.4K 32 7
                                    

"Daph!" Axel called me.


I tried my best not to roll my eyes because he's been talking about his crush all morning as if he doesn't have four other crushes.


Ang unfair kasi kapag si Axel maraming kinakausap na babae okay lang pero kapag may kinakausap ako na lalaki kahit about sa academics malandi na agad tawag sa akin. Wala pa kaming one month sa grade 7 ganoon na agad impression sa akin.


"Late na kayo," Ethan scolded us when we arrived at the school grounds. He's Axel's other best friend, they attended the same all-boys primary school while I attended an all-girls school close to theirs.


"Hindi naman kami late, may 10 minutes pa," Axel said defensively.


"Sisihin mo si Axel." I walked past them but Axel held my arm to stop me.


I glared at Axel which made Ethan chuckle. Binitawan naman agad ako ni Axel kasi he knows na sobrang pissed ko na talaga.


"Chill ka lang, Daph," Ethan said and patted my head.


"True, gusto mo rin naman ako kasama," Axel said and raised his brows.


I rolled my eyes at them. "Kayo nga reason kung bakit first week pa lang natin dito tawag na sa akin ng mga batchmates natin malandi hanggang ngayon ganoon pa rin."


Axel patted my head. "Don't mind them, we like hanging out with you."


I just rolled my eyes, kung hindi lang ako nag-promise kay mommy at daddy na magpapakabait ako rito sa bago kong school pumatol na talaga ako kaso tinitignan ko pa kung paano ba magbigay ng disciplinary action sa school na 'to. I don't want to get into trouble because of them, they're not worth it.


The first bell rang kaya sabay kami ni Ethan pumunta sa classroom namin. Nag-pout lang si Axel kasi hindi namin siya classmate.


Nag-start agad 'yong class namin sa Environmental Science and pagkatapos noon sa Elementary Algebra naman.


'Yong school kasi namin specialized 'yong curriculum kaya may mga extra subjects kami sa Science and Math. It's one of the best high schools daw sa Metro Manila kaya pinilit nila mommy na dito raw ako mag-aral.


"Naintindihan mo ba 'yong topic sa Envi? Nakakaantok si ma'am," I told Ethan paglabas namin sa classroom.


"Gusto mo notes ko?" Ethan said.


I nodded at Ethan. "Pa-photocopy pwede?"


"Sure."


Nakaabang na agad si Axel sa labas ng classroom namin, he was talking to one of his guy classmates. First break na namin and usually pupunta lang kami sa cafeteria pero pinatawag daw 'yong president, vice president, and secretary ng bawat classroom sa grade 7 para mag-appoint daw ng grade 7 representative. Absent 'yong vice president namin kaya kaming dalawa lang ni Ethan.

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon