Chapter 30

551 15 0
                                    

"May tanong ako," sabi ko sa mga kaibigan ako at nag-sigh. "Sa tingin niyo ba okay ang swimming trunks na anniversary gift?"


Namomroblema ako kung anong ibibigay ko kay Braden sa anniversary namin sa bukas.


Gusto ko bumawi dahil sinurprise niya ako noong birthday ko two weeks ago pero wala talaga akong maisip na magandang gift. Swimming trunks lang naisip ko dahil 'yon naman lagi niyang ginagamit pero parang hindi enough.


Typical lang naman 'yong surprise niya hinarana niya ako sa harap ng classroom ko dahil hindi naman kami magkaklase, ang dami-daming nanonood sa amin noon pero nag-effort pa rin siya.


Nanlaki 'yong mata ni Jas. "OMG! Alam mo size ng trunks niya?"


Napatingin din sa akin si Ella at Crystal habang mukhang confused si Blair kung bakit lahat sila nakatingin sa akin.


"Syempre alam ko, boyfriend ko, diba?" sarcastic na sabi ko kay Jas. I like knowing things kaya alam ko size ng trunks niya.


Napatakip si Jas ng bibig niya. "Oh my gosh! Paano mo nalaman? Sinuko mo na ba ang Bataan?"


"Oh my God! Hindi!" I exclaimed. Me and Braden make out a lot but we've never done that. Hindi naman sa conservative ako or I'm saving my virginity, hindi pa lang talaga nangyayari. "Alam kong ang image namin parehas kaming malandi at sobrang PDA namin pero wala pang nangyayari, puro make out lang."


May mga batchmates kami na active na pero hindi kami ganoon ni Braden. Curious ako pero Braden never asked at ayaw ko rin naman magmukhang eager masyado.


If it happens, it happens... with caution.


"So paano mo nga nalaman 'yong size?" tanong ni Ella at tinaasan ako ng isang kilay. Sobrang scary talaga ni Ella kapag ganito 'yong pinag-uusapan. Parang mangangain talaga siya.


"Tinignan ko 'yong size noong nasa bag niya palagi." Nag-pout ako dahil 'yong tingin talaga sa akin noong mga girls parang curious na curious sila sa sinasabi ko habang 'yong boys naman iwas na iwas na parang ayaw na lang makinig. "I just know, okay?"


Nag-smirk sa akin si Jas. "Ikaw, ha?"


"Bigay ko na lang kaya virginity ko sa anniversary namin?" pagbibiro ko.


"Daphne!" saway ni Ella at tinignan si Blair.


I pursed my lips dahil namumula 'yong mukha ni Blair at parang siya pa 'yong nahiya. Kawawa naman, dapat pinigilan ko 'yong bibig ko.


"This conversation is making me uncomfortable, I don't know why," sabi ni Axel at nag-chuckle. "Text niyo na lang ako kapag tapos na kayo mag-usap about that and pwede na ang swimming trunks kung anniversary gift. Bye!" Naglakad na palayo si Axel habang hawak 'yong phone niya at nakatingin sa hallway ng grade 9.


"Sunod na rin ako kay Axel." Ngumiti si Julian sa amin at lumayo na rin.


[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon