Chapter 2

1.1K 16 0
                                    

"Boyfriend mo raw si Jonathan?" tanong sa akin ni Axel habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep.


"The heck? No!" sagot ko agad. "We're not there yet. Nagkaroon lang kami ng confession last week pero hindi kami."


"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Nag-pout pa siya kaya nairita ako. "Best friend mo kaya ako!"


Ilang months na kami sa high school sobrang dikit pa rin sa akin ni Axel, hindi ko talaga naiintindihan sa kanya kung bakit ako lagi gusto niyang kasama.


"'Wag ka ngang OA diyan, it's not a big deal, go find yourself someone to flirt with so you would stop pestering me."


"Ehh! Daphne!" he whined.


I rolled my eyes at him. "Ang arte-arte mo naman."


"Alam ni Crystal?"


"Duh! She's my only girl best friend, I would tell her everything."


"Ang daya!" he whined again. What a baby!


Maaga na kami dumating sa school dahil natuto na kami kung gaano kaaga dapat umalis ng bahay para makarating on time sa school.


"Himala! Ang aga niyo ngayon," sabi ni Ethan.


Magkatapat sila ni Crystal at mukhang busy si Crystal dahil nagbabasa siya ng AP book bago kami binati ni Axel.


"Bakit ka nagre-review?" tanong ni Axel kay Crystal.


"May quiz tayo!" sagot ni Crystal parang siya pa 'yong nag-panic na hindi nag-review si Axel. "Tara na nga, doon tayo sa classroom, makikipagdaldalan ka lang dito kay Ethan at Daphne." Tumayo na siya at hinila si Axel, kumaway na siya sa amin ni Ethan.


"Tara na rin," sabi ni Ethan.


"Shit! Wait... 'Yong bag ko dala ni Axel!" Hinabol ko si Axel at nakasunod naman sa akin si Ethan. 


"Ang bilis talaga maglakad nila Axel."


"Mabilis din naman maglakad si Crystal," sabi ni Ethan at nag-chuckle.


Nakarating na kami sa classroom ni Axel at mukhang busy na rin sila ni Crystal sa pagbabasa. Ang bilis naman nilang nakarating sa classroom nila.


"Hi, pwede patawag si Axel?" tanong ko sa isang kaklase ni Axel na lalaki. Mukha naman siyang mabait hindi katulad noong nasa tabi niya na malapit ko nang sapakin.


I swear, I'm not judgemental pero halata sa kanya na every month siyang may bagong nilalandi. Minsan, I'm wondering kung kailan siya lilipat sa grade 8 na batch pagdating sa hinaharot niya.


Tumango lang sa akin 'yong lalaki at ngumiti.


[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon