Chapter 57

600 19 4
                                    

Braden's POV


"Wala ka talagang kwenta!" sigaw sa akin ni Gov. Palomique noong makarating siya sa apartment ko.


Napahawak ako sa labi ko at pagtingin ko sa kamay ko, may dugo roon.


"Bakit ba kasi pinanganak ka pa? Dapat talaga sinunod na lang ng mama mo 'yong sinabi ko na ipalaglag ka! Panira ka ng buhay!"


Mapait akong natawa. Siguro nga panira ako ng buhay.


Hindi na nga ako tinatawagan ng mama ko at napagod na sa akin si Daphne.


Pero sa lahat ng buhay na sinira ko, alam kong siya 'yong dapat talagang sinisira 'yong buhay.


"Sir, rinig ho kayo sa labas," singit ni Baron. Tumingin siya sa akin at napailing na lang. "Hindi ho maganda para sa imahe ninyo na makita kayo rito na sinisigawan siya."


Dinuro ako ni Gov. "Hindi pa tayo tapos."


Napailing na lang ako noong makaalis na sila at tagong-tago ni Baron si Gov. habang naglalakad sila papunta sa kotse nila.


Naglakad na lang ako papunta sa kusina para kumuha ng first aid kit. Naglagay lang ako ng Betadine sa bulak at nilapat ko 'yon sa labi ko na pumutok dahil sa suntok ng tatay ko. Wala naman akong naramdaman na pagkirot doon kaya tuluy-tuloy ko lang 'yon na nalinis.


Hindi naman pala masakit maputukan ng labi o baka manhid na ako. Hindi ko na rin talaga alam.


Habang nililinis ko 'yong sarili kong sugat, hindi ko maiwasan na maisip si Daphne. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Stressed kaya siya katulad ko o baka mas maayos siya ngayon?


Kinuha ko 'yong cellphone at magta-type na dapat ako ng text para sa kanya pero pinigilan ko 'yong sarili ko.


Hindi ako pwedeng humarap sa kanya na may putok ako sa labi. Bagong alalahanin na naman 'to sa kanya.


Gusto ko kapag humarap ako sa kanya 'yong maayos na ako. 'Yong hinding-hindi na ako magiging pabigat sa kanya.


"Tara, inom, tapos na finals," pag-aaya sa akin ni Kevin. "Pupunta raw mga FIST-UPLB."


"Hindi ako masyadong iinom, maglilipat ako bukas."


"KJ mo naman, pre."


Tumawa ako nang marahan. "Pupunta pa rin naman ako, hindi lang ako magpapakalasing."


"Hoy, Kev! Ayain mo buong FIST-UPLB!" excited na sabi ni Raine noong mapadaan siya sa malapit sa amin. Kasama niya 'yong ibang schoolmates namin dati.


"Oo na, ito na nga, oh. Inaya ko na si Braden."


[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon