"May nakakuha na ba noong chain booth at jail booth?" tanong ko kay kuya Jeff. 'Yon ang booth namin last year pero hindi ako nakatulong dahil sa inis ko kay Braden. Hindi rin naman ako officer noon.
Pinag-uusapan na agad namin 'yong school fair namin na para sa next month. Medyo big deal kasi sa school namin 'yong fair dahil sobrang pinag-iisipan talaga ng bawat clubs ang gagawin nilang booth. Same week 'yong fair namin pati 'yong birthday ng founder ng school namin.
"Yes, nag-sign na BSP sa chain booth at jail booth."
"Marriage booth?" tanong ni kuya Isaac.
Umiling lang ako sa kanila. Ayaw ko ng marriage booth, wala naman akong isasama sa marriage booth.
Tumawa si kuya Isaac. "Mukhang ayaw ni Daphne at Braden ng marriage booth."
Ngumiti si Braden. "Bitter ako sa marriage. Iba na lang."
"Ikaw, Daph?"
"Wala naman akong isasama sa marriage booth," pagbibiro ko. Ilang months na kaya akong single dahil kay Matt tapos wala namang ganap.
"Sama mo si kuya Braden, ate Daphne," sabi sa akin ni Josh, 'yong grade 7 rep namin. Lalaki pa rin 'yong grade 7 rep namin dahil puro lalaki 'yong sumali sa amin last year na galing sa batch nila.
Iniisip yata nila na puro kalokohan lang 'yong club namin kaya dito sila sumali...
"Ay yes! Ship!" sabi ni kuya Isaac at nakipag-high five pa kay Josh.
"Sa girl scouts na napunta 'yong marriage booth," sabi ni kuya Brent. "Isip naman tayo ng iba. Naaalala ko na sa amin last year 'yong chain booth at jail booth nakakapagod manghuli."
"Games na lang kuya," pagsa-suggest ni Braden. "Ang gagawin natin 'yong dina-darts na balloon."
"Hmm..." sabi ni kuya Jeff habang tinitignan 'yong listahan ng booths. "Pwede naman, wala pa naman dito sa list 'yon."
"Paano natin gagawing connected sa History?" tanong ko. 'Yon pa ang problema sa aming mga academic clubs, kailangan connected sa subject ng club namin 'yong booth na gagawin namin.
"May mga tanong tungkol sa history, halimbawa, 'anong taon pinanganak si Jose Rizal' tapos may mga year na nakadikit doon sa mga balloon tapos dapat 'yong balloon na may tamang sagot 'yong tatamaan nila. Para hindi random 'yong tina-target nila na balloon."
"Pwede 'yon... Maganda 'yon. Agree ba tayong lahat, diyan?" tanong ni kuya Brent.
Naki-agree na rin ako dahil wala rin naman akong maisip at mukhang maayos naman 'yong idea.
"Kayo ulit ni Daph bibili ng materials?" tanong ni kuya Jeff habang naglilista ng materials na kailangan para sa booth.
BINABASA MO ANG
[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)
Romance[Career Series 4]: Daphne Adrianne Castellano tries her best to live a stress-free life and hates it when others get in the way of her fun. She loves beaches and dancing which is always a part of her weekly activities. She's carefree but when it com...