"So... nasaan 'yong dad mo?" tanong ko.
Nagkwento siya tungkol sa childhood niya na singer daw 'yong mommy niya sa Japan kaya lumaki siya sa lolo at lola niya.
Marami siyang nakwento kahit mga ginagawa niya noong elementary, mga laro-laro niyang relationships. Ang dami pero hindi siya nagbanggit ng kahit ano tungkol sa tatay niya.
"Kung ayaw mo naman magkwento about him, okay lang." Ngumiti ako. Hindi ko naman siya pinipilit kung hindi siya comfortable na pag-usapan 'yong mga ganoon.
"Naaalala mo noong tinanong ako kung kakilala ko 'yong mga Palomique sa Isabela?" tanong niya sa akin.
Tumango ako dahil hindi talaga nawala sa isip ko 'yon. Ilang beses ako na-tempt mag-Google tungkol doon pero napigilan ko naman 'yong sarili ko.
"'Wag mo 'to ipagsasabi sa iba, Daphne, ha?"
"Okay, legal ba 'to?" tanong ko sa kanya.
Nag-chuckle siya pero parang hindi naman talaga siya natatawa. "Ilegal yata eh."
Kumunot 'yong noo ko. "Ano ba 'yon?"
"Kaya ilegal kasi... Anak ako sa labas noong isang anak na lalaki ng mga Palomique, 'yong governor doon." Malungkot siyang ngumiti. "Hindi naman niya ako kinikilala bilang anak niya, nakikita ko lang siya kapag malapit na eleksyon para lang sabihan niya ako na maging low profile. Baka daw kasi makasira ako sa pangalan niya."
"Wait... So ikaw 'yong first child niya?" tanong ko.
I've met that family before dahil ganoon naman sa circle namin, we know people who are the same as us, and sa pagkakaalala ko may daughter 'yong tatay ni Braden na mga two years younger lang sa amin. Wala siyang ibang kids.
"Parang ganoon na nga pero mag-asawa na sila noong naging anak ako ng papa ko kaya produkto ako ng cheating. Kaya ako naiirita sa tatay ko at ayaw ko siya pag-usapan dahil nag-cheat siya sa asawa niya, hindi siya nag-ingat kaya naging anak niya ako, tapos parang kasalanan ko pa kapag nalaman ng mga tao 'yong tungkol sa akin.
"Mabait naman 'yong mga magulang niya na lolo at lola ko, sila nagbabayad ng tuition ko, nagbibigay din sila ng allowance kahit hindi ko naman talaga ginagamit. Lagi nila akong ini-invite sa hacienda nila na lagi ko namang tinatanggihan kasi ayaw ko nga makita 'yong tatay ko pero pinipilit pa rin nila kasi apo daw nila ako at deserve ko magbakasyon sa hacienda nila." Nag-shrug siya. "Pero galit talaga ako sa tatay ko, eh, wala siyang ginawa kundi sisihin 'yong mama ko kung bakit siya alanganin kapag eleksyon. Ang gulo din talaga ng sitwasyon."
Nakikita ko 'yong galit sa mga mata niya kaya tinapik ko 'yong arm niya at nginitian ko siya. Nalungkot ako sa fact na pinupuntahan lang siya ng tatay niya para sabihan siya na maging low profile kapag eleksyon. Tapos sisisihin pa niya si Braden para sa mga bagay na hindi naman kasalanan talaga ni Braden.
Sobrang bullshit. Naalala ko tuloy 'yong tatay ko, may anak kaya 'yon sa labas?
BINABASA MO ANG
[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)
Romance[Career Series 4]: Daphne Adrianne Castellano tries her best to live a stress-free life and hates it when others get in the way of her fun. She loves beaches and dancing which is always a part of her weekly activities. She's carefree but when it com...