Chapter 6

728 19 3
                                    

"Sino iboboto mong grade 8 rep?" tanong ni Axel.


"Si Blair malamang. Nakita mo naman effort niya this year tsaka maganda projects ng partylist niya."


"Gusto ko nga rin 'yong sinasabi nilang magkakaroon ng attention 'yong other sports hindi lang basketball. Magaling 'yong team namin pero lahat kasi binibigay sa amin kaya nananalo kami... Pero babawi ako diyan, makakapasok ako sa Palarong Pambansa."


"May 5 years pa tayo para bumawi."


Hindi rin kami nakapasok ni Jas sa Palarong Pambansa kaya balak namin bumawi next year... Ang nakapasok lang sa batch namin ay si Braden para sa swimming, si Blair para sa rhythmic gymnastics, si Ethan para sa athletics. Lahat naman sa sports na sinalihan ng school namin may nakapasok sa palarong pambansa pero puro galing sa higher batch.


"Kino-contact nga pala ako ng ibang school..." he trailed. "Nag-o-offer sila na mag-training ako sa kanila. Ayaw ko rin naman dahil hindi ko kaya mag-commit 100% sa basketball. Buti nga hindi rin pumayag si daddy."


"At least, nasa same page kayo ni tito ngayon."


"Eh, you know how he hates seeing me play basketball."


"Yep, gusto kasi niya 'yong focus mo nasa company niyo."


"By the way, nag-announce na ba ng honors sa inyo?" tanong ni Axel. "Sana kahit with honors lang."


"Alam mo naman kung gaano ka-strict 'yong school natin sa honors. Pinaghihirapan ang 90 na grade. Wala ngang nakakakuha ng highest honors ever since nag-umpisa 'yong ganoong distinction. 'Yong with honors laging nasa 10 students lang tapos with high honors five students lang."


"Magre-ready na lang ako ng explanation na sasabihin ko kay daddy kung bakit hindi ako nakapasok sa honors."


Nag-shrug lang ako... Hindi naman masyadong nag-e-expect sa akin si mommy at daddy or baka dahil sa sobrang disappointed nila sa mga older siblings ko, hindi na sila nag-e-expect sa amin ni Ellie para hindi sila ma-disappoint sa huli.


"Hindi mo pa na-compute grade mo?" tanong ko sa kanya.


"Mababa ako noong third quarter... tapos hindi rin ako sure noong fourth quarter. Pababa kaya grades ko."


"Kung hindi, bawi na lang tayo next year."


"Daph, Axel, start na raw ng Miting De Avance after ng announcement ng honors, pinapabigay ni Jas. Itataas daw kapag si Blair na nagsasalita," sabi ni Crystal sa amin at may inabot na white flag na may beige design ng flowers. May nakasulat din na Blair.


"Grabe, gamit na gamit ni Jas ang influence niya," sabi ko habang nakatingin sa mga batchmates namin na binibigyan ni Jas ng flag.


"Attention students, please proceed to the auditorium for the announcement of honors and the Miting De Avance. Thank you."

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon