Chapter 19

528 21 2
                                    

Nag-iwas ako ng tingin dahil ang intense ng tingin niya sa akin parang binabasa niya talaga 'yong emotions ko through my eyes.


Hindi ko ine-expect na sasabihin niya 'yon dahil sa ilang years ko siyang kilala lahat sa kanya lokohan lang. Wala siyang sineseryoso at sobrang landi niya.


"Br—"


"Daphne! Tara practice tayo!" Tumingin 'yong kaklase ko kay Braden. "Ikaw din, hinahanap ka na ng basketball team ng section natin."


Ngumiti ako sa kaklase ko, saved by the bell. "Sige, magpapalit lang ako."


"Bilisan mo, ha? Kalaro natin 'yong volleyball boys." Tumakbo na siya papunta sa field kung saan nagpa-practice 'yong section namin.


Lumingon ako kay Braden. "Una na 'ko."


"Pwede mag-usap ulit tayo pagkatapos ng Intrams?" His voice was hopeful pero ang lungkot ng mata niya.


I suddenly felt bad... Hindi ako sanay na ganito siya.


Ngumiti ako sa kanya para pagaanin 'yong mood. "Okay, after ng intrams."


Kinuha ko na 'yong pampalit ko pati 'yong knee pads ko. Ayaw ko magasgasan mamaya, sayang naman 'yong pag-aalaga ko sa sarili ko tapos hahayaan ko lang magkaroon ng peklat para lang sa Intrams.


After ko magpalit, nandoon na 'yong buong team. Katabi lang namin 'yong court ng basketball kung saan naman nagpa-practice 'yong basketball team ng section namin.


"Daphne!" Tumakbo palapit sa akin si Axel at niyakap ako. "Bakit hindi ka sumabay?"


Natawa ako kasi parang bata na naman siya na naligaw dahil hindi niya ako nakasabay pumasok. "Maaga ako pumasok, ang bagal mo, eh."


Napatingin ako sa likod ni Axel at nakatingin sa amin 'yong buong basketball team ng section namin. Nagkatinginan kami ni Braden kaya bigla akong kinabahan at nag-iwas na lang ako ng tingin.


God! Hindi ko pwedeng maramdaman 'to kay Braden! Nagsabi lang siya ng kung anu-ano kanina kaya ganito rin nararamdaman ko. Hindi rin naman ako madali magkaroon ng feelings sa isang guy kaya dapat ayusin ko 'yong sarili ko.


Magsasalita pa dapat si Axel kaso tinawag na siya ng mga teammates niya. Halos lahat kaming magkakaklase nandito sa place. Sabay-sabay kaming nagpa-practice ng mga sport namin, kahit 'yong mga kasali sa board games nandito rin.


Tinawag na rin ako ng mga teammates ko kaya tumabi ako kay Ella na umiinom pa yata ng kape sa metal tumbler niya.


"Bakit ako nandito ulit?" tanong ni Ella sa akin at naghikab.


"Ikaw kasi pinakamaliit na girl sa class," sagot naman ni Jas. "Pero malakas ka rin naman."


[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon