Chapter 20

607 14 0
                                    

Braden: Nakauwi na ko


Napataas 'yong isang kilay ko dahil sa message ni Braden. Pakialam ko naman kung nakauwi na siya?


Daphne: Ano naman?


Braden: Update lang para alam mo.


Daphne: Hindi naman required na bigyan mo ako ng update. Hindi naman tayo.


Nagse-set na ako ng boundaries para alam niya. Hindi naman porque umamin siya at hinahayaan ko siya gugustuhin ko na makita messages niya.


Braden: Practice lang para kapag naging tayo na hahaha


Daphne: Napaka-feeler mo talaga.


Braden: Basta araw-araw na akong magsasabi sayo para alam mo na wala akong nilalanding iba. Pwede mo rin ako tanungin buong araw, ikaw bahala.


Daphne: Hindi ko naman talaga malalaman kasi message lang naman to.


Braden: Gusto mo magsend ako ng picture kasama ng update ko sayo?


Nanlaki 'yong mata ko at naalala ko 'yong picture na sinend sa akin ni Jerome. Gosh! Nakakainis talaga 'yon!


Daphne: Hindi na, malalaman ko rin naman yung totoo.


Braden: Seryoso ako, Daph.


Daphne: Oo nga. Paulit-ulit?


Braden: Pinapaalala ko lang para hindi mo makalimutan hahaha


Daphne: Ilang beses mo rin sinabi sakin kanina na seryoso ka. I got the message na.


Braden: Cute mo lalo kapag conyo ka.


Daphne: Hindi ako cute! Maganda ako!


Braden: Cute ka madalas pero maganda ka araw-araw. Ayan, para hindi magulo.


I bit the sides of my cheeks para hindi ako mapangiti. Corny pero napapangiti ako! Ugh!


Hindi ko napansin 'yong oras dahil kung anu-anong pinag-uusapan namin ni Braden tungkol sa Intrams, sa club, sa class, at kung anu-ano pa.


Entertaining naman siya kausap at sobrang witty ng remarks niya. Dati pa naman siya witty pero mas naiinis lang ako sa kanya kaya hindi ko pinapansin masyado.


"Bakit ka tulala diyan?" tanong sa akin ni Jas kaya napunta sa akin 'yong tingin ng iba naming friends.


Napa-facepalm ako dahil ayaw ko talaga sabihin sa kanila. Alam ko kasi na medyo off talaga sila sa group of friends nila Braden pati roon sa isa pang group ng guys sa batch namin.

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon