"May problema ba?" tanong ni Braden sa akin.
Umiling lang ako at ngumiti. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung ano 'yong nakakagulo sa isip ko dahil hindi pa naman sigurado tsaka naging maingat naman kami.
"Sigurado ka?"
Tumango ako. "Masama lang talaga pakiramdam ko. 'Wag mo na lang muna ako kausapin."
Niyakap niya ako at hinalikan sa noo habang hinihimas 'yong buhok ko. "I love you."
"I love you." Niyakap ko siya pabalik at sinandal ko 'yong noo ko sa chest niya.
Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Natatakot ako sa magiging reaction niya.
Tumingin ako sa orasan sa side table ko. 12AM na pero hindi pa rin ako nakakatulog sa kaiisip kung anong gagawin ko.
Nag-Google na ako kung may times ba na nagfe-fail ang condoms and ang nakalagay sa Google search ko, may times nga na may nabuntis kahit gumamit naman ng condoms at may times kaya nafe-fail ang condom ay dahil mali 'yong pagkakalagay.
Lalo akong na-paranoid sa mga nabasa ko. I'm only 17 years old and Braden's turning 17 this September. We're both too young for this responsibility.
Pero paano nga kung buntis ako? Anong sasabihin ng mommy ko?
Dumiretso ako sa classroom ng section nila Braden at nadatnan ko roon si Braden. Nakapatong 'yong ulo niya sa armchair niya at ginagawang unan 'yong jacket niya.
Mukhang mahimbing 'yong tulog niya at ayaw ko sanang istorbohin pero kailangan ko na sabihin sa kanya para mabawasan na 'yong gumugulo sa utak ko.
Kailangan ko malaman if we're in this together or not bago ko i-confirm kung buntis nga ako. Para alam ko na kung anong gagawin ko.
"Braden," I called him.
Mukhang mahimbing yata talaga 'yong tulog niya. I patted his shoulder lightly.
Gumalaw siya at nagmulat. Nanlaki 'yong mata niya noong makita niya ako. "Daph! Okay ka lang ba? Bakit hindi ka nagre-reply kagabi?"
Nag-iwas ako ng tingin. "Usap tayo." Naglakad na ako palabas ng classroom nila dahil dumating 'yong iba niyang kaklase. Ayaw ko na mag-usap kami sa harap ng ibang tao tungkol dito.
Pumunta ako sa swimming area ng school kung saan lagi kaming pumupunta ni Braden kapag may seryoso kaming pag-uusapan.
Nakatingin lang ako sa tubig ng pool noong may yumakap sa akin mula sa likod ko. Naamoy ko 'yong familiar scent ni Braden.
"May problema ba tayo?" bulong niya.
BINABASA MO ANG
[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)
Romance[Career Series 4]: Daphne Adrianne Castellano tries her best to live a stress-free life and hates it when others get in the way of her fun. She loves beaches and dancing which is always a part of her weekly activities. She's carefree but when it com...