Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko... Pagtingin ko sa caller ID, pinatay ko agad 'yong tawag dahil ayaw ko naman talaga siya makausap na.
Hindi nagparamdam noong kami tapos ngayong nakipag-break ako biglang tatawag. Ang labo talaga!
Tumunog 'ulit 'yong cellphone ko at may text naman ngayon galing kay Braden kaya binura ko agad kahit hindi ko pa binabasa.
Tinignan ko 'yong watch ko sa side table ko at 7AM naman na kaya bumangon na ako. Kinuha ko 'yong oatmeal yogurt cup ko na pinrepare ko kagabi at kinain 'yon for breakfast tapos nag-bellydance ako pagkatapos ko mag-breakfast.
Nag-check ako ng social media at ang daming messages ng mga kaibigan... Kumalat na pala 'yong picture ni Braden na may kahalikang ibang babae. Great! Mukha akong tanga. Alam ko na 'yong nasa isip ng mga schoolmates ko, "Ang tanga ni Daphne, pinagtatanggol niya tapos magche-cheat pala sa kanya."
Pinatay ko na lang 'yong phone ko at in-ignore ko 'yong messages ng mga schoolmates ko noong high school.
Ayaw ko nang isipin masyado, kung nag-cheat man siya or hindi, wala na dapat akong pakialam doon. Nabigyan na nga ako ng excuse para umalis sa relationship ni Braden.
May mga ibang bagay din akong kailangan isipin at hindi pwedeng guluhin 'yon ni Braden at ng pinasok niyang issues.
Two weeks na lang bago mag-start 'yong classes namin, ano kayang pwede kong gawin sa natitirang days? Pwede ako mag-beach kaso wala namang akong maaaya.
Natigil ako sa pag-iisip ko noong tumunog 'yong doorbell ng unit namin... Sinilip ko muna 'yong peep hole at bigla akong nanghina at bumilis 'yong tibok ng puso ko noong nakita ko si Braden sa labas.
"Daphne!" tawag niya sa akin at kumatok. "Daphne, please, kausapin mo 'ko." Rinig na rinig 'yong pain sa boses niya pero tinigasan ko 'yong sarili ko.
Kaya naman pala niya pumunta sa akin pero kailangan ko pa siya hiwalayan para lang magpakita siya sa akin.
Ayaw ko na maawa dahil ganito naman palagi... Mag-aaway kami tapos magso-sorry siya at parang nasasaktan siya kaya lalambot 'yong puso ko para sa kanya tapos papatawarin ko siya. Lagi namang ganoon.
Nasa cycle na lang kaming dalawa. Cycle ng sakitan.
Huminga ako nang malalim para pakalmahin 'yong sarili ko. "Umalis ka na, Braden, diba sinabi ko sa text na 'wag mo na ako kausapin?"
"Please, Daphne, mag-usap tayo," pagmamakaawa niya.
Hindi ko pa rin binuksan 'yong pinto dahil alam na alam ko na talaga 'yong mangyayari kapag binuksan ko ulit 'yon para sa kanya. Kapag nakita ko ulit 'yong malungkot niyang mata, alam ko na papatawarin ko siya at kakalimutan ko lahat ng problema ko sa kanya.
"Umalis ka na nga, Braden! Ayaw na nga kitang makita!"
BINABASA MO ANG
[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)
Romance[Career Series 4]: Daphne Adrianne Castellano tries her best to live a stress-free life and hates it when others get in the way of her fun. She loves beaches and dancing which is always a part of her weekly activities. She's carefree but when it com...