Chapter 52

577 17 3
                                    

"Kailan ka nga uuwi rito sa Manila?" tanong ni Crystal. Magkausap kami sa video chat habang naghahanda ako ng breakfast namin ni Dawson.


"Kailan ako bibisita kamo," pagtatama ko sa kanya dahil dito na kami sa resort umuuwi at sa Manila kami bumibisita. "Baka next week siguro kasi diba pipili tayo ng wedding dress mo?"


"Buti naman! Akala ko wala ka talagang balak pumunta rito sa Metro Manila."


Simula noong ipanganak ko si Dawson, sa resort na talaga kami tumirang dalawa para mas tahimik 'yong buhay namin kahit pa social media person ako. Hindi na rin ako masyadong active sa vlogging, puro dance covers na lang ulit pino-post ko. Graduate na 'yong tatlo kong college students na staff kaya may bago akong mga videographer at video editor.


Alam ng public 'yong tungkol kay Dawson hindi pa lang nila nakikita kasi hindi ko rin naman pinapakita sa social media 'yong anak ko. May mga tao na tuwang-tuwa na may anak na ako habang 'yong iba namin na-judge ako dahil wala akong asawa pero wala naman na akong pakialam sa kanila basta hindi nila dinadamay 'yong anak ko sa judgements nila.


"May balak naman ako, ang dami lang talagang ginagawa rito... Sabado na ngayon pero magtatrabaho ako hanggang 12PM mamaya." Nagpaalam na ako kay Crystal noong matapos akong mag-prepare ng breakfast namin ni Dawson para makakain na kami agad at makapag-umpisa na ako sa trabaho ko.


Nilagay ko na sa bowl 'yong oatmeal na may milk at sliced frozen berries ni Dawson at nilagay ko na sa high chair niya. Sinuotan ko na rin siya ng bib at inabutan ko na siya ng maliit na spoon niya. Maayos naman na siya kumain ngayong malapit na siya mag-two years old, noong unang tinuruan ko siya gumamit ng spoon, sobrang kalat pa niya.


Sabay kaming kumain ng breakfast at nauna akong matapos kaya kukunin ko na dapat 'yong spoon mula sa kanya para subuan siya pero iniwas niya. "Mommy, no. Ako lang kain." Puro two words or three words pa lang nasasabi niya, pero naiintindihan ko naman siya at nakakaintindi naman siya ng sentences.


I sighed at pinanood ko na lang siyang kumain mag-isa, lagi niyang pinipilit maging independent at hindi ko alam kung good thing ba 'yon or bad thing. Dahil ang bilis niyang makaintindi at makagawa ng mga bagay-bagay kaya madalas parang hindi na niya ako kailangan kapag natutunan na niya.


Noong matapos kaming mag-breakfast, binihisan ko na siya ng polo shirt, pants, at sneakers. Iniwan ko muna siya sa yaya niya bago ako nag-ayos ng sarili ko.


Dumiretso kaming dalawa sa opisina ko at nilagay ko na siya sa play area niya kung saan may glass window na kita 'yong sea, doon ko talaga nilagay 'yong play area niya dahil baby pa lang siya mahilig na siya tumingin sa dagat.


"Mommy! Swimming!" sabi ni Dawson at tinuro 'yong dagat.


"Later, baby, magwo-work lang si mommy, okay?"


"Okay po!" excited niya na sabi habang nakatanaw sa dagat. Araw-araw niyang tinitignan 'yong dagat at hindi naman siya nagsasawa. Siguro dahil iba-iba naman 'yong paggalaw ng dagat tapos minsan may mga kakaibang mga ibon pa sa labas.

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon