"Parang ang lalim yata ng iniisip mo," sabi sa akin ni mommy habang kumakain kami ng dinner.
Umiling lang ako at uminom ng tubig. "Pagod lang po sa performance kanina."
Kumpleto kami ngayon na sobrang rare, nakakapag-dinner nga lang kami na katulad nito kapag na-invite kami sa isang party. Sabi nila, importante daw na sabay-sabay kumain ng dinner ang buong pamilya para nakakapag-usap tungkol sa mga personal issues pero sa pamilya naman namin hindi ganoon, sabay-sabay kaming kumakain pero wala namang kwentuhan na nagaganap.
Imbis na sa kanila ko naibibigay 'yong atensyon ko, wala tuloy mapuntahan kaya hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Zia kanina tungkol kay Braden.
Posible naman na may kamukha lang si Braden sa Isabela pero noong sinabi sa akin ni Braden na ayaw niya muna pag-usapan, lalo akong naging curious.
Iniisip ko tuloy kung dapat ba nagsinungaling na lang siya para hindi na ako ma-curious, pero thankful din naman ako sa honesty niya. Ugh! Ang gulo ko!
Nabalik ako sa reyalidad noong marinig ko 'yong paggalaw ng upuan ni ate Ava kaya napalingon ako sa kanya. Tumayo lang siya at umalis na sa harap ng hapag na walang sinasabi.
Maya-maya sumunod na rin si kuya Brylle at kuya Clyde na umakyat. Tinignan ko si Ellie na busy sa kinakain niyang parfait. Lumingon ako kay mommy na nakatingin lang din kay Ellie habang si daddy naman busy sa phone niya.
Noong mga bata kami, tinuruan kami ng table manners at isa doon 'yong hindi pag-alis sa table kapag may kumakain pa.
Noong sinabi ko 'yon sa mga kapatid ko noon, ang sinagot lang nila sa akin na 'yong respect nga ni mommy at daddy sa marriage nila hindi na nila nagawa, kaya hindi na rin nila susundin ang simpleng table manners.
Simula noon, I kept my mouth shut. Hinayaan ko na lang sila gawin 'yong gusto nila. Hindi naman sila makikinig sa akin dahil mas bata ako sa kanila.
Dapat nagse-celebrate kami ngayon, kapapanalo ko lang ng gold medal sa jive, silver sa chachacha, at bronze sa rumba pero hindi ganoon. Sabay-sabay lang kaming nagdi-dinner dahil nagka-abot kaming lahat sa bahay ngayon.
Sumama na lang sana ako sa mga kaibigan ko mag-dinner after ng game ni Axel ngayong araw.
Kaysa makasabay ko sila na parang wala naman talaga akong kasabay mag-dinner. Wala pang table manners at bigla-biglang umaalis sa table kahit may kumakain pa, pero I can't blame them kasi sarili nga naming tatay busy sa cellphone kahit nasa tapat ng pagkain.
Lumingon sa akin si Ellie at ngumiti. "Congratulations ulit, ate!" May dumi pa sa side ng bibig niya.
Ngumiti ako sa kanya. "Thank you!" sabi ko at pinunasan 'yong bibig niya.
Wala na akong pakialam sa iba kong kapatid basta may baby sister akong parang liwanag ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)
Romance[Career Series 4]: Daphne Adrianne Castellano tries her best to live a stress-free life and hates it when others get in the way of her fun. She loves beaches and dancing which is always a part of her weekly activities. She's carefree but when it com...