"Hindi ako makakapunta bukas sa inyo, nag-aya magpa-spa sila Blair," sabi ko kay Braden. "Tutulungan na lang kita sa robotics next week kahit wala naman talaga akong naitutulong sa'yo."
Hinila ako palapit ni Braden sa kanya. "Presensya mo pa lang doon malaking tulong na, Daph."
Pabiro ko siyang inirapan. "Ewan ko sa'yo."
Nasa school garden kami at sabay kaming nag-lunch. Kasama namin 'yong mga kaibigan ko kanina pero may kanya-kanya na silang pinuntahan kaya naiwan kami ni Braden.
Katatapos lang ng NCR palaro kaya bagong paghihirap na naman sa Palarong Pambansa, tapos nag-aasikaso na kami ng experimental research namin para sa next year. Last year na rin namin sa Palarong Pambansa ngayon dahil hindi na pasok 'yong age namin next year kaya kailangan maganda 'yong pag-exit namin.
Hindi ko na alam kung paano ko pagkakasyahin lahat pero pipilitin dahil pinili ko naman 'to. Pinili ko pumasok sa school na 'to. Pinili kong sumali sa dancesport.
Si Braden naman sumali pa sa robotics competition at nakapasok siya hanggang National level kaya inaayos niya ulit 'yong robotics project niya.
"Pwede ba akong sumama sa mga kaibigan ko bukas? Maglalaro lang kami sa TNC," pagpapaalam ni Braden kahit hindi naman kailangan. Siguro dahil hindi talaga ako okay sa friends niya.
Parang ayaw ko siya payagan sumama sa mga kaibigan niya pero ayaw ko rin naman maging petty at toxic. Wala kasi talaga akong tiwala sa mga kaibigan niya.
"Walang kasamang babae?" tanong ko. Gusto ko tanungin nang specific kung kasama si Gab, she's still a girl kahit naman sabihin niya na one of the boys siya, hindi ko lang tinuloy dahil ayaw ko maging too mean.
"Wala naman, maglalaro lang naman kami."
"Sige, okay lang. Mag-text ka sa akin."
Ngumiti siya. "Ikaw din, mag-text ka."
Kaya ko naman siguro pagkatiwalaan si Braden kahit na nasa paligid siya ng mga kaibigan niya na hindi okay.
"Anong iniisip mo diyan?" tanong ni Crystal habang nakasakay kami sa kotse ni Blair. Papunta kami sa isang hotel dahil doon kami magpapa-spa. Ime-meet na lang namin doon si Zia dahil nandoon siya para sa isang event.
Napatingin sa akin 'yong iba dahil sa tanong ni Crystal. Tumingin ako sa floor para iwasan 'yong mga tingin nila dahil sure ako, na may magtatanong kung bakit at ayaw ko magmukhang crazy girlfriend kapag nagsalita ako.
"Nag-away kayo?" tanong ni Ella.
Umiling ako. "Grabe ka naman, Ella!"
"What? 'Yong line ni Ariana Grande na, 'I got 99 problems but you won't be one,' pero 'yong sa'yo, 'I got 99 problems and everything's connected to you,' kaya tungkol ba kay Braden or hindi?"
BINABASA MO ANG
[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)
Romantizm[Career Series 4]: Daphne Adrianne Castellano tries her best to live a stress-free life and hates it when others get in the way of her fun. She loves beaches and dancing which is always a part of her weekly activities. She's carefree but when it com...