Chapter 39

498 22 3
                                    

"Maganda naman 'tong apartment na 'to, 'no?" sabi ni Braden habang tinitignan 'yong paligid ng apartment na pinili niya sa labas mismo ng UPLB.


Isang floor lang 'yong apartment, may isang bedroom at isang bathroom hindi katulad noong apartment niya sa Marikina na dalawang floors at may dalawang kwarto.


Sinamahan ko siya maghanap ng apartment last week kahit malayo pa pasukan dahil agawan na raw ng apartment at dorms dito sa UPLB kapag malapit na pasukan at ito 'yong napili niya dahil maayos daw 'yong linya ng kuryente at tubig.


Tinignan nila Braden at ng tito niya 'yong mga gripo pati 'yong mga linya ng kuryente para iwas disgrasya raw dahil maganda talaga 'yong location noong apartment. Maayos din naman 'yong mga gamit sa apartment, luma pero functional naman lahat.


Noong pumasok ako sa nag-iisang kwarto, may isang double bed, cabinet, at study table. 'Yon lang talaga laman noong kwarto.


Nakita ko si Braden na dinidiinan 'yong ibabaw ng kama kulang na lang talunan niya.


I pursed my lips... Parang alam ko na kung anong ginagawa niya... or tine-test niya.


"Matibay naman siguro," sabi ni Braden at lumingon sa akin, he gave me a suggestive smile. "Tama lang 'yong pinili kong apartment."


Inirapan ko siya nang pabiro. "'Yon talaga naisip mo, 'no?"


"Pangatlo sa priority ko sa pagpili ng apartment 'yong kama." Kinindatan niya pa ako at naglagay na ng bed sheet bago humiga. "Tabihan mo nga ako rito para tignan natin kung kaya tayong dalawa."


Napailing ako pero sinunod ko pa rin naman siya at umupo sa gilid ng kama pero hinila niya ako pahiga at niyakap ako.


"Hmmm... Kaya naman tayo," sabi niya at nag-chuckle. "Binyagan na natin 'tong kama."


"Bwisit ka talaga!" Siniko ko siya nang pabiro. "Kailangan natin makauwi nang maaga, nag-aya si Stella, diba?"


Tumawa lang siya at mas lalong hinigpitan 'yong yakap niya sa akin. "Mag-transfer ka rito sa second year mo, tapos dito ka tumira. May biology din naman dito tapos sabi mo mami-miss mo ako, mami-miss din kita kapag nasa malayo ka."


"Parang ang hirap naman mag-transfer, mag-aayos pa ako ng papers."


"Hindi mo ba ako mami-miss? Tsaka diba, dream school mo naman ang UP?"


"Syempre mami-miss kita..." Parang okay din naman 'yon. Biology pa rin naman 'yong course tapos makakasama ko pa si Braden.


"Tutulungan kita mag-ayos ng papers mo next year." He started kissing my neck and his hand went under my shirt. "Okay, babe?"


I nodded and closed my eyes because of what he's doing. "Okay."


[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon