Chapter 22

568 22 2
                                    

Hindi ako matahimik sa sinabi ni kuya Aaron kaya nagso-scroll ako sa Instagram account ni Ashton. Hindi naman siya sobrang active sa social media at may iilang pictures lang siya sa snow. Tinignan ko 'yong tagged photos niya at may mga bago na rin siyang friends na 'yong iba mukhang mga Pilipino rin.


Mukha namang masaya siya at hindi naman ako nami-miss talaga. Kung nami-miss niya talaga ako dapat nag-send siya sa akin ng DM... Ang usapan pala namin hindi na kami mag-uusap after para walang maghihintay at walang aasa.


Pinindot ko 'yong paper plane icon sa Instagram kung saan pwede mag-DM at nagta-type na ako ng message pero nagbago isip ko kaya binura ko na lang lahat ng na-type ko na.


God! This isn't healthy! Dapat hindi na lang niya ako kinumusta dahil lalo ko lang siyang nami-miss.


Binuksan ko ulit 'yong profile niya at pinindot 'yong mute button. Kailangan ko na mag-move on... Kung dadalhin siya sa akin sa future, good. Kung hindi, hindi rin naman ako aasa.


"Ms. Castellano, hindi ganyan ang border! Ang diin ng pagkakalagay mo!" sigaw ng teacher ko kahit nasa tabi ko lang siya.


I took a deep breath to calm myself down, kanina niya pa ako pinapagalitan. Kasalanan ko ba na hindi ako magaling mag-drawing tapos pinagpipilitan nila na i-take namin 'yong Technical Drafting or TD na subject? My God! This subject will be the death of me!


Tinanggal ko na lang 'yong oslo paper ko na naka-tape sa drafting table at kumuha na lang ng bagong oslo paper. Ang dumi na tignan kapag binura ko lang.


Hinahalukay ko na 'yong bag ko noong may tumapat sa mukha ko na oslo paper na may border na at nakahati na rin sa apat na boxes 'yong loob ng border.


"Kunin mo na dali," sabi ni Braden habang nakatapat pa rin sa mukha ko 'yong oslo paper na hawak niya. "Extra ko 'yan, ginawa ko kasabay nito," sabi niya at tinuro 'yong isa pang oslo na nakadikit sa drafting table niya, tapos na siya sa dalawang boxes.


Tumingin ako sa teacher namin na nakatalikod sa amin habang kino-compliment si Blair bago ko tinanggap 'yong inaabot sa akin ni Braden. Ang tagal-tagal kong ginawa 'yong border ko kanina tapos mapapagalitan lang ako.


Maganda ako at talented pero 'wag niyo naman ako pagagawain ng art. Mamamatay ako nang maaga sa stress!


"Akala ko ba science school 'to? Bakit tayo may drafting?" bulong na reklamo ko kay Braden.


Nag-chuckle siya habang inuumpisahan na 'yong second box niya. "Masaya naman 'yong AdTech, diba?"


"Hindi kaya!" sabi ko habang dinidikit na 'yong oslo paper ko sa drafting table ko. AdTech was a nightmare! Grade 7 namin kinuha 'yon tapos may drafting din pero 4th quarter lang kami nag-drafting doon sa subject na 'yon.


Ngayong year, naglagay sila ng Technical drafting para daw sa mga magte-take ng Engineering at Architecture sa college. Paano naman kaming mga hindi ganoon ang ite-take? May Computer Science nga kaming subject kahit hindi naman lahat kami magte-take ng computer science sa college.

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon