Chapter 29

518 17 1
                                    

"Stretching muna!" energetic na sigaw ni Jas.


Sinunod na lang namin si Jas at nag-umpisa na mag-stretching at warm up kahit 'yong iba sa amin mukhang pagod pa rin dahil ilang days na kaming nagpa-practice.


"Guys! Kaya pa ba?" tanong ni Jas. "May liftings na tayo today. 'Yong mga spotter diyan, kayo may kasalanan kapag may nalaglag."


Sabay-sabay na kaming nag-warm up at stretching dahil ang bagal kumilos noong iba. Hindi kami pwedeng mahuli sa schedule dahil naghahati-hati lang kami ng ibang section sa time ng paggamit dito sa covered court.


Kung magpa-practice kami sa ibang time, sa grounds kami at tapat na tapat sa nakatirik na araw.


After namin mag-warm up stretching, pahinga muna 'yong iba habang 'yong mga kasali sa liftings at sa pyramid 'yong kumikilos.


"Okay! Si Daphne na lang muna since siya 'yong may experience dito sa cheerdance."


Sinamaan ko ng tingin si Jas. Ako talaga inuna sa liftings para namang experienced din lifters ko.


"Oh, spotter," sigaw ni Jas. "Ay, si Braden pala ang spotter, ilaglag niyo na 'yan si Daphne may sasalo naman."


Naglakad ako palapit kay Jas at hinampas ko siya. "Safe ba 'yong mga hahawak sa akin?" bulong ko kay Jas.


Tumawa si Jas. "Hindi ko rin sure pero nandyan naman si Braden." Kinindatan pa niya ako kaya nahampas ko ulit siya. "Mag-practice ka na!" Tinulak na niya ako papunta sa mga kasama ko sa routine.


Sumama na ako sa mga kagrupo ko at nag-umpisa na 'yong tugtog kaya mag-isa akong sumasayaw pati noong ibang routines hanggang sa makarating na kami sa part ng first lifting.


"Okay! Lift hanggang shoulders!" sigaw ni Jas.


Maayos naman akong nabuhat dahil hanggang sa shoulders lang naman nila 'yong first na pagli-lift.


"Cradle catch!" sigaw ni Jas.


Pumikit na lang ako at umasa na masasalo ako nang maayos ni Axel.


"Good! Very good, Daphne!" sigaw ni Jas at pumalakpak. "Oh, guys, ganoon ang cradle catch! 'Yong mga base diyan kailangan kaya niyong saluhin 'yong mga flyer, okay?"


Tinuloy ko 'yong pagsasayaw ko at pagod na agad ako dahil sa kaba. My gosh! Bwisit si Jas ako talaga 'yong pinush gawin 'to.


"Okay! Lift! Above the head, hindi 'yong head ni Axel, masyadong mataas 'yan!" sigaw ni Jas kaya nalito 'yong mga nagli-lift sa akin.


Nararamdaman ko na na-out of balance na ako kaya nag-panic ako, hindi ko pa naitataas 'yong isa kong paa nalaglag na ako. Ine-expect ko na 'yong worst pero may nakasalo naman sa akin.

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon