Chapter 8

644 17 0
                                    

"Julian! Feeling ko alam ko na kung sino 'yong crush ni Matt, kagabi ko lang naisip mag-research." Nag-smirk ako dahil feeling ko tama ako sa hula ko. Hindi naman ganoon kahirap hanapin dahil friend ko na sa Facebook si Matt at may mga tagged pictures siya.


"Hala! Anong nahanap mo?" tanong ni Julian.


"Posts, pictures, information. Sabi mo, mahirap hanapin. Naka-public kaya 'yong profile noong girl."


Nanlaki 'yong mata ni Julian. Mukhang may sasabihin dapat siya pero hindi niya tinuloy.


"Alam ko na rin tuloy kung sino siya tapos kailan birthday niya. Anak siya ng senador."


"Paano mo nahanap?"


Nag-shrug lang ako at ngumiti. Dami kayang naka-tag na pictures ni Matt doon sa girl tapos may mga posts pa 'yong girl na tina-tag niya si Matt. "Name niya Callie Montagne Mariano."


Nag-purse ng lips si Julian at nag-iwas ng tingin. Mukhang nakuha ko 'yong tamang person at ayaw lang sumagot ni Julian dahil hindi siya magaling magsinungaling.


Marami akong nalaman about doon sa girl just by looking at her Facebook posts. Masyado siyang supportive sa tatay niyang senator. 'Yong mga last name niya masyadong powerful, puro politicians ang mga Mariano sa Ilocos at sa national government while the Montagnes are the richest in the Philippines.


"I won't tell Matt naman kasi malalaman niya na I checked his profile. Feeling ko, may crush siya kay Matt," sabi ko kay Julian at nag-shrug. "They say they're besties pero halata kay girl na she likes Matt."


"Hindi yata... Naturally sweet lang talaga si Callie at mapagmahal sa pamilya niya lalo na sa lolo niya." Ngumiti si Julian. "Pinapadalhan pa nga ako ng cookies palagi dahil lagi ko raw sinasamahan si Matt."


I nodded... So ganoon pala mga type ni Matt pero hindi naman ako ganoon. Should I adjust? But I never adjusted for anyone. I'm better than this, I would never adjust for a guy.


"Feel ko lang kasi I rarely post about Axel. Nagta-tag lang ako sa kanya ng memes kapag funny."


"'Yon ang hindi ko talaga alam. Feeling ko dahil sobrang close lang nila. Mas nauna pa maging kaibigan ni Matt si Callie kaysa sa akin kaya medyo possessive siya kay Matt."


Feel ko talaga or baka possessive lang siya kay Matt as a friend. One of her posts said that, "if you're friends for more than 7 years, it will last a lifetime." Naka-tag pa kay Matt.


"Daphne."


Lumingon ako sa pinto ng classroom namin at nandoon si Braden. Hawak niya 'yong mga prizes na binili namin at kinaway sa akin.


Nagpaalam na ako kay Julian para sumama kay Braden... Bumili pa kami ng ribbons kahapon para magawa naming bundle 'yong prize. Blue 'yong kulay ng club namin kaya blue rin 'yong ribbon.

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon