Chapter 55

687 17 6
                                    

Braden's POV


"Uuwi ka naman every week, diba?" tanong sa akin ni Daphne habang nasa loob siya ng kotse niya. Inihatid lang talaga niya ako sa UPLB dahil gusto raw niya sulitin 'yong bakasyon niya na kasama ako.


Inilapit ko 'yong mukha ko sa bintana kung nasaan siya at hinalikan ko 'yong noo niya. "Gagawin ko lahat ng makakaya ko para makauwi tuwing Sabado at Linggo."


Tumango siya at bumuntong-hininga bago tumingin sa daan na parang ayaw niya talaga umalis.


Hinawakan ko 'yong pisngi niya at tinapik 'yon. "Hindi mo mamamalayan nasa condo unit niyo na pala ako."


Ngumuso siya at tumango. "I'll see you on Saturday." Ang cute ng girlfriend ko ang sarap sundan sa Maynila!


"See you, babe! Paghahandaan ko 'yong pag-uwi ko." Ngumisi ako sa kanya. "Paghandaan mo rin."


Ngumisi din siya at nagsuot ng sunglasses. "Paghahandaan ko talaga!" sabi niya at nagmaneho palayo.


Napailing na lang ako habang pinapanood 'yong papalayo niyang sasakyan. Ang swerte ko talaga sa girlfriend ko.


Narinig ko na 'yong pito ng coach namin kaya sumisid ako agad at binilisan ko 'yong paglangoy ko kaya ako 'yong unang nakarating sa dulo ng swimming pool.


"Bakit ba pinili mo ritong bata ka, ha?" magiliw na sabi ni coach noong ummahon ako sa swimming pool. "Mas maraming makaka-discover sa'yo kung sa Diliman ka pumasok dahil mas nakikilala mga atleta sa UAAP."


"Mas gusto ko po 'yong environment dito sa Elbi," sagot ko na lang kahit sa totoo lang, naiisip ko rin minsan na lumipat na lang sa Diliman dahil gusto ko makasama si Daphne pero hindi ko pa alam dahil dito lang sa Elbi 'yong lugar na alam kong hindi pupuntahan ng tatay ko.


Tumango 'yong coach namin pero may guhit ng pagkadismaya sa mukha niya. "Galingan mo sa mga tournament natin para ma-discover ka pa rin."


"Coach, kilala na po 'yan si Braden sa sport natin, tine-train na nga 'yan para sa susunod na SEA Games," singit naman ng captain namin sa swim team. "'Wag na ho tayong masyadong manghinayang diyan, buti nga ho at nandito siya para mas makilala pa itong team natin."


Kumunot 'yong noo ni coach at lumingon sa akin. "Bakit sa susunod na SEA Games pa? Bakit hindi ngayong taon?"


"Mag-a-adjust pa ho kasi ako rito sa UPLB... Ayaw ko po pagsabayin baka hindi po maging maayos parehas."


Tumango na lang si coach kahit halata sa kanya na nanghihinayang siya sa akin. Wala naman akong magagawa napili ko na 'to.


Wala naman kasi talagang kasiguraduhan 'yong swimming sa akin kahit pa magaling ako. Dito kasi sa Pilipinas, hindi naman talaga kami ginagastusan o pinapansin man lang kaya kailangan mas mag-focus pa rin kami sa mga trabaho namin o sa pag-aaral dahil parang wala naman kaming magiging maayos na future sa pagiging atleta.

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon