Chapter 36

501 22 3
                                    

"Yes! Of course, yes!" Niyakap ko siya nang mahigpit. "May paganito ka pa, eh, given naman na date natin ang isa't isa sa grad ball."


"Gusto ko lang gawing special, bakit ba?"


May sasabihin sana ako kaso nag-fake cough si Axel. "Una na ako, guys, aayain ko pa si Liv sa grad ball."


"Sige na! Shoo!" sabi ko at umalis na siya sa pool area. I tiptoed and gave Braden a quick kiss. "Thanks!"


He pouted. "Bitin."


Pabiro kong sinuntok 'yong chest niya. "Nasa school tayo."


Tumingin siya sa suot ko. "Alam mo, dapat talaga papagswimming-in pa kita kaso ang ganda mo talaga sa ganyan na damit."


Hinawakan ko 'yong chin niya para i-angat 'yong tingin niya sa mukha ko. "Hintayin mo 'yong isusuot ko sa grad ball."


May pinatahi na kasi talaga akong dress para sa grad ball at sigurado akong magugustuhan 'yon ni Braden.


"May isusuot na kayo sa grad ball?" tanong ni Blair sa amin habang kumakain kami ng lunch sa school garden.


Kaming mga girls lang 'yong meron na at 'yong boys umiling lang maliban kay Jas na mas nauna pa yata sa akin makahanap ng isusuot niya sa grad ball at kay Ethan dahil matchy matchy daw sila ni Crystal ng color kaya sabay silang bumili ng isusuot nila.


"May suits at tux naman na ako," sagot ni Axel. "Pipili na lang ako roon."


"Same," sabi naman ni Matt.


"Pwede na siguro 'yong sinuot ko sa kasal ng pinsan ko last month," sabi naman ni Julian habang malalim ang iniisip.


"Julian, ano nga pala color ng suit mo?" tanong ni Blair. "Nagtatanong si Zia para daw makasuot siya ng dress na bagay sa color ng suit mo."


Nag-iwas ng tingin si Julian habang namumula 'yong mukha. "Navy Blue."


Nag-chuckle si Blair. "Okay. Sasabihin ko kay Zia."


"Kahit anong gusto niya isuot, ako na lang mag-a-adjust."


Natawa ako dahil mukhang nahihiya na si Julian. "Buti na lang pala single ka na, makakasama natin si Zia sa grad ball dahil may plus one ka."


Tumango si Blair. "Makaka-experience din si Zia ng high school event kahit college na siya. By the way, may shoes na kayo?"


Napaisip ako dahil marami naman akong shoes sa bahay pero parang walang babagay na shoes ko sa damit na pinatahi ko. "Wala pa."


"Sabay-sabay tayong bumili ng shoes kapag kasi kami ni Zia 'yong bumili masyado kaming parehas ng style kaya hindi kami nakakakuha ng perspective ng iba. Mag-set tayo ng sched."

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon