"Ate, nag-aaway ulit si mommy at daddy," bungad sa akin ni Ellie noong sagutin ko 'yong tawag niya. Nagpupunas siya ng mata niya.
I sighed. "Naririnig mo pa ba silang nag-aaway?"
Umiling siya pero umiiyak pa rin. "Nakinig ako ng music pero naririnig ko pa rin silang nag-aaway kaya tumawag ako sa'yo."
"Tahan na... Sige na... Matulog ka na para hindi mo sila marinig."
"Matutulog ka na ba, ate?" tanong niya.
Umiling ako. "Matulog ka na muna, okay?"
Patulog na dapat ako dahil pagod ako sa training at bukas na 'yong competition namin pero hindi ko naman pwedeng babaan ng tawag si Ellie, baka nag-aaway pa parents namin at marinig pa niya.
Dapat talaga maghiwalay na lang sila mommy at daddy... Si Ellie 'yong dinadamay nila, kung kami lang ng ate ko at mga kuya ko sanay naman kami. Si Ellie baby pa tapos parang gusto pa yata nila maging kagaya din namin na nasanay na lang.
"Hoy! Ayos ka lang ba?" tanong ni Jas sa akin. Naghihintay kami mag-start 'yong competition ng dancesport.
"Oo, medyo inaantok pa ako," sagot ko sa kanya. Hindi ko maalala kung anong oras ako nakatulog kagabi basta hinintay ko makatulog si Ellie bago ako natulog.
Tinawag na kami para sa rumba na hindi ko talaga forte pero kinakaya ko naman. Nag-umpisa na kami sumayaw ni Jas, medyo nawawala sa utak ko 'yong steps pero nakakasabay naman ako.
"Sorry, Jas!" sabi ko kay Jas pagkatapos noong performance namin. Alam ko na sobrang dumi noong sayaw namin dahil sa akin.
"Okay lang 'yan, Daph!" Ngumiti sa akin si Jas. "Bawi na lang tayo sa susunod na category."
"Daphne, anong nangyari doon?" tanong sa akin ni coach.
Napa-iwas ako ng tingin dahil halata na disappointed siya sa nangyari. "Sorry po, coach."
He sighed. "Sige na, bawi na lang sa ibang category."
Tuluy-tuloy na sa bawat category at pinilit ko na lang galingan at maging confident kahit sobrang nasira talaga 'yong confidence ko sa Rumba.
"Sorry talaga, Jas," sabi ko kay Jas after ng last performance namin.
He smiled and patted my arm. "Okay lang. Sabi ko nga, enjoy lang tayo."
"Daphne."
Napalingon ako kay Axel, kasama niya 'yong iba naming schoolmates pati 'yong group of friends namin. Hindi ko na sila tinignan isa-isa dahil nahihiya ako sa kanila. Ang taas ng expectations nila sa amin tapos hindi ko na-meet 'yong expectations nila.
BINABASA MO ANG
[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)
Romance[Career Series 4]: Daphne Adrianne Castellano tries her best to live a stress-free life and hates it when others get in the way of her fun. She loves beaches and dancing which is always a part of her weekly activities. She's carefree but when it com...