Chapter 37

507 18 0
                                    

Braden's POV


"'Wag na lang muna natin sabihin sa iba," sabi ni Daphne.


Parang nasira 'yong mood ko sa sinabi ni Daphne. Anong gusto niya? Itago ako? 'Yong mga dati naman niyang ka-MU proud pa siya, bakit sa akin hindi?


"Kung 'yan ang gusto mo," sabi ko kay Daphne dahil wala naman talaga akong magagawa. Ayaw ko rin naman mag-demand sa kanya dahil kilala ko siya.


Alam ko na madali sa kanya umalis sa isang relasyon kapag hindi na siya natutuwa sa isang lalaki. Ayaw ko naman maging katulad ng mga 'yon.


Ang lapit-lapit ko na sa pagiging boyfriend, itatapon ko pa ba 'yong chance?


"Brad!" tawag sa akin ni Cody at may malapad na ngiti. "Lagi kayong magkasama ni Daphne, ha? Ano na bang balita?"


"Wala," sagot ko. Baka lalong hindi pa matuloy kapag hindi ko sinunod si Daphne na 'wag munang sabihin sa iba 'yong tungkol sa amin.


"Ang bagal mo naman, Braden!" reklamo niya. "Basta kapag naging girlfriend mo na 'yan ipakilala niya dapat ako kay Ella."


Kumunot 'yong noo ko dahil ang alam ko, si Blair 'yong gusto niya. "Ella? Diba si Blair?"


"Pwede na 'yon mag-bestfriend naman sila pwede na pagtyagaan si Ella, matalino at maganda rin naman 'yon."


Hindi na lang ako umimik dahil ayaw ko na mag-umpisa ulit ng away sa kanila. Mahirap kaaway 'tong si Cody dahil dala niya 'yong buong Hermanos kaya makakaaway ko buong tropa ko kapag hindi ko siya kinausap nang maayos.


Noong bumungad sa amin ni Daphne 'yong magulong bahay ko parang bigla akong nahiya dahil hindi ko man lang naisip na ang dami ko palang kalat dahil sa mga projects ko.


Mukhang ayos lang naman sa kanya dahil sa pagkakakilala ko kay Daphne, pinapahalata talaga niya kapag naiinis siya o hindi niya gusto ang isang bagay.


Habang kumukuha ako ng kubyertos napansin ko na parang tulala si Daphne habang nakatingin sa kawalan.


"Ang lalim ng iniisip mo," sabi ko sa kanya at inabutan siya ng kubyertos. "Ano ba 'yang nasa utak mo, hmm?"


"Curious ako about sa family mo pero I won't ask kasi that's not my place."


Parang lumambot 'yong puso ko sa sinabi niya dahil interesado na siya sa akin. "Pwede ka naman magtanong. Kung saan mo gusto lumugar sa buhay ko, Daphne, doon ka lumugar."


"So... Okay lang magtanong?"


"Oo naman, ibig sabihin kasi noon interesado ka na tungkol sa akin. Ang tagal kong hinintay maging interesado ka, Daphne, kaya hindi ko na palalampasin 'yon."


Hindi ko nga alam kung bakit ko siya sinama rito maliban sa gusto ko siya makasama. Hindi ko pa nga nadadala mga kaibigan ko rito tsaka marami rin akong tinatago rito sa bahay, katulad ng sikreto ng pamilya ko.

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon