"Ano? Ready ka na ba?" tanong ni Jas sa akin habang inaayos namin 'yong mga gagamitin namin sa division palaro ng Marikina.
"Grabe, opening na pala sa Monday."
Ilang months na naming pina-practice ni Jas 'yong steps namin para dito, simula noong August hanggang ngayong December. Parang wala na kaming excuse para hindi maging first.
"Wala yatang sumundo sa'yo ngayon," sabi ni Jas.
"Ah, break na pala kami." Natawa ako sa sarili kong katangahan. "Nakalimutan ko sa sobrang focused ko sa rehearsals natin."
"Ha? Kailan pa?"
"Kagabi."
"Kagabi lang? Hindi ka man lang affected?"
Nag-shrug lang ako dahil hindi naman ako affected talaga. Alam ko naman a few weeks ago pa na magbe-break na kami dahil inaaway ako lagi kapag hindi ako nagre-reply. Pinatagal ko nang kaunti dahil baka naninibago lang siya pero hindi, kaya nakipag-break na ako.
"Okay ka lang talaga?" tanong ni Jas.
"Oo nga, hindi naman talaga kami mag-jowa tsaka hindi rin naman kami ganoon katagal. There's plenty of fish in the sea, Jas."
"Tara na nga, kailangan natin ng beauty sleep. May parade sa Monday."
"Nasaan si Ella?"
"Training."
"Ha? Training saan?" Hindi naman nagso-sports si Ella. Ang tahimik nga niya.
"Women's Football."
My eyes widened, if I remembered correctly sobrang strict daw ng girls sa women's football. Marami sa batch namin gusto sumali sa team na 'yon pero hindi sila napili. "Seryoso ba 'to?"
Tumawa nang malakas si Jas at tumango. "Napili siya, eh. Diba noong first week natin sa school lahat ng students sa batch natin ni-require na pumili ng sports na pagta-tryout-an maliban doon sa mga may physical disability? Sumali siya sa Football kasi maraming sasali para daw konti lang 'yong chances na makapasok siya. Eh, napili siya."
"Hindi ba siya pwedeng tumanggi?"
"Nahiya siya sa captain ng football team na kinausap siya para sumali kaya hindi na siya nakatanggi."
"Kawawa naman si Ella."
"Tara na, puntahan na natin sa football field. Sabi ni tita, sabay na raw ako umuwi sa kanila eh."
Nag-text ako kay Axel na puntahan na lang niya ako sa football field after ng training niya. Sila pinakahuling umuuwi sa lahat dahil mataas expectations sa basketball team namin.
BINABASA MO ANG
[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)
Romance[Career Series 4]: Daphne Adrianne Castellano tries her best to live a stress-free life and hates it when others get in the way of her fun. She loves beaches and dancing which is always a part of her weekly activities. She's carefree but when it com...