Chapter 40

558 18 0
                                    

TW// mention of sexual harassment


"Tara na, babe," sabi ni Braden at kinuha 'yong bag ko. Isinakay niya sa kotse ng tito niya 'yong mga gamit namin at pinagbuksan ako ng passenger seat.


Napag-usapan kasi namin na magbe-beach kami bago mag-start 'yong classes. Magkaiba kami ng week ng start ng classes kaya nag-decide kami na bago na lang mag-start 'yong classes niya para hindi hassle para sa kanya.


"Sigurado ka bang hindi ka aantukin habang nagda-drive?" tanong ko sa kanya dahil 2AM na ngayon at talagang sinadya namin na ganitong oras umalis para maabutan namin 'yong sunrise sa beach sa Batangas.


"Oo, natulog nga tayo buong araw... Baka ikaw diyan 'yong makatulog."


"Hindi ah! Ang taas-taas pa nga ng energy ko!"


Nag-chuckle siya at nagbukas ng radio, tumugtog 'yong kanta ng Ben & Ben na Maybe the Night. Sinabayan naman ni Braden 'yong kanta habang nagda-drive.


Wala naman masyadong traffic kaya tuluy-tuloy lang 'yong byahe naman, tumitigil lang kami para bumili ng pagkain.


Ilang fast food restaurant din 'yong dinaanan namin dahil parang gusto namin bumili sa lahat.


"Baka naman hindi ko na maisuot 'yong bikini ko sa dami ng kinakain natin," sabi ko at tinignan 'yong hawak kong burger na binili namin sa Burger King. Kulang na lang sa fast foodtrip namin KFC chicken.


"Bagay naman sa'yo 'yong bikini mo kahit ano pang itsura mo, kasi si Daphne Castellano ka at lahat bagay sa'yo."


Hinampas ko siya. "Inuuto mo na naman ako."


"Hindi kita inuuto, totoo kaya 'yon. Walang papantay sa'yo sa pagsusuot ng bikini para sa akin."


"Ewan ko sa'yo! Lalo mo lang pinapakita na patay na patay ka sa akin."


Nag-chuckle siya. "Oo naman, simula grade 8 hanggang habambuhay, patay na patay ako sa'yo."


Noong makarating kami sa probinsya, binuksan ko na 'yong windows para ma-feel ko 'yong fresh air. Kaya talaga ang sarap pumunta sa beach at sa mga probinsya dahil talaga sa hangin.


Kapag kasi sa city, puro usok ng mga jeep 'yong nalalanghap sobrang unhealthy para sa respiratory system.


"Uuwi ako sa Maynila kapag weekend para puntahan ka," sabi ni Braden. "Nasa dorm ka ba or sa bahay niyo kapag weekend?"


"Depende... Kapag busy week baka sa dorm. Lalo na at ita-try ko sumali sa Dancesport team ng UST."


Ngumiti siya nang malapad. "Bibisitahin na lang kita sa dorm mo, ipahinga mo lagi 'yong paa mo."


Pinag-usapan lang namin 'yong schedule namin para sa college. Excited na ako pumasok, bagong environment tapos mas malapit na talaga ako sa gusto kong piliin na career.

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon