"May results na sa ACET!" sigaw ni Jas noong makalabas ako sa classroom.
"OMG! Nakapasa kayo?"
"Yes!" sagot ni Jas. "Hindi pa namin alam 'yong kay Julian, Matt, at Crystal dahil hindi pa sila nakakalabas sa classroom nila."
Tumakbo na ako papunta sa kanila at kinuha ko 'yong phone ko sa bulsa ko para i-check 'yong results namin ni Braden. Iba rin mag-timing 'tong Ateneo mag-release ng results nila kung kailan last day talaga ng 3rd quarter exams namin tsaka sila nag-release ng results. 'Yong DLSU naman bukas magre-release ng results nila.
Una kong tinignan 'yong kay Braden dahil sure naman ako na makakapasa siya, pagkakita ko na nakapasa siya at may scholarship pa, parang ako pa 'yong nakapasa sa sobrang saya ko.
Tinignan ko na 'yong results noong akin at nakapasa naman ako pero medyo na-disappoint ako na hindi ko nakuha 'yong first choice ko na course.
"Babe! We passed the ACET!" Tumakbo ako kay Braden at niyakap siya.
Niyakap niya ako pabalik at nag-chuckle. "Ang sarap naman pala makapasa sa CETs. Congrats din sa'yo, babe!"
"With 100% scholarship ka!"
Nanlaki 'yong mata niya. "Talaga? Tapos sa first choice ko rin na course?"
Tumango ako. "BS/MS Computer Science."
Mas humigpit pa 'yong yakap niya sa akin. "Yes! Sigurado nang makakapangasawa ka ng Computer Science graduate."
Natawa ako sa sinabi niya. 'Yon talaga naiisip niya, eh.
Kinabukasan, nag-release ng results 'yong DLSU at nakapasa ako sa BS Biology Major in Systematics Ecology kaya sigurado na akong may school ako na papasukan sa college. Si Braden naman nakapasa rin sa Bachelor of Science in Computer Science, Major in Computer Systems Engineering pero mas sure siya na papasok siya sa Ateneo kung hindi siya papasa sa UPLB dahil may scholarship na siya sa Ateneo.
Mas gusto ko talaga na sa Ateneo na lang siya kaysa UPLB pero hindi ko naman 'yon desisyon, desisyon niya 'yon.
"Mukhang Ateneo-La Salle yata tayo kung hindi tayo makakapasa sa UP at UST," sabi ni Braden sa akin habang nakatingin pa rin sa result ng DCAT niya.
Sabay naming tinignan 'yong results namin dahil hindi namin sabay natignan 'yong ACET kahapon. Sinundo niya pa talaga ako sa bahay namin kanina para dito kami sa bahay niya maghintay ng results.
"Sana makapasa pa rin tayo sa UP," sabi ko sa kanya kahit ayaw ko na doon siya mag-aral.
Alam ko naman kasi na gusto niya talaga sa UP dahil aminin man namin o hindi iba ang dating lalo na sa mga matatandang generation kapag sa UP ka nag-aaral.
He wrapped his arm around me and kissed my temple. "Sana nga dahil mahihirapan ako mag-maintain ng scholarship lalo na at eleksyon na sa susunod na taon."
BINABASA MO ANG
[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)
Romance[Career Series 4]: Daphne Adrianne Castellano tries her best to live a stress-free life and hates it when others get in the way of her fun. She loves beaches and dancing which is always a part of her weekly activities. She's carefree but when it com...