"So bukas magde-design na tayo ng auditorium kasi sa Friday na 'to," sabi ni kuya Paul habang si kuya Brent naman naglilista sa whiteboard ng mga materials na kailangan bukas.
"Kuya, excused naman officers bukas, diba?" tanong ni Braden.
"Tsaka 'yong mga volunteers kagaya nila Daphne. Siguraduhin lang ng mga volunteers na tutulong sila. Kung nag-volunteer lang kayo para makatakas sa mga klase niyo tapos hindi naman kayo tutulong pababalikin ko kayo."
Nag-announce si kuya Jeff ng names ng mga excused bukas kaya napatingin ako kay Axel noong hindi siya tinawag. "Bakit po wala name ni Axel?"
"May binura dito..." kuya Jeff trailed habang nakatingin sa paper. "Martin, binura mo pangalan ni Axel?"
Nagtaas ng kamay si Axel. "It's okay. May training din naman ako bukas. Pwede po ba pumunta kapag break namin sa training?"
Tumango si kuya Paul. "Sa susunod sabihan niyo muna 'yong taong tatanggalin niyo 'yong pangalan sa listahan."
Noong matapos 'yong meeting namin, naka-abang na si Crystal at Ethan sa amin sa labas ng meeting room namin.
"Ugh! I'm so stressed out sa basketball," pagrereklamo ni Axel habang naglalakad kami palabas ng gate ng school.
"Axel, tara, TNC," pag-aaya ni Martin sa kanya.
Tumingin sa amin si Axel. "Gusto niyo sumama?"
I nodded. "Sige, gagawa na rin ako ng homeworks."
"Hindi na, uuwi na ako," sabi ni Crystal.
"Ako rin uuwi na, ihahatid ko na rin si Crystal."
Pasimple kong siniko si Axel habang nagpipigil ng ngiti ko. Mukhang gumagawa na ng move si Ethan kay Crystal.
"Sige, kaming dalawa na lang. Una na kayo, bye!" Sumama na kami ni Axel kina Martin pero mukhang bad idea dahil sumama rin si Braden kay Martin.
"Turuan kita maglaro, Daph?" Axel's smile was so wide that it made me so suspicious of what his agenda is. "Baka mag-stop ka na sa paghahanap ng MU."
"Naglalaro sa TNC 'yong last MU ko." I've dated two guys after Jonathan and both ended badly as well. 'Yong isa naiirita dahil inuuna ko 'yong dancesport tapos 'yong isa naman nagseselos kay Axel.
Feel ko, may kasalanan din ako slight dahil ayaw ko mag-adjust pero hindi ko rin naman sila pinag-a-adjust kaya dapat hindi nila ako pinipilit baguhin.
"Sorry nga pala ulit, kaya kayo nag-break dahil sa akin na naman. Pwede naman ako lumayo, Daph."
"Alam mo, if I like them enough ako mismo didistansya sa'yo. You're like my brother, hindi kita iiwan sa ere just because some douche said so. Tsaka sila nagsasabi na hindi sila bothered about us tapos kapag nag-umpisa ako i-date sila biglang bothered pala sila. Ang gulo kausap ng mga ganoon."
BINABASA MO ANG
[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)
Romance[Career Series 4]: Daphne Adrianne Castellano tries her best to live a stress-free life and hates it when others get in the way of her fun. She loves beaches and dancing which is always a part of her weekly activities. She's carefree but when it com...