TW// Mention of sexual harassment
"Bakit, babe?" tanong sa akin ni Braden kaya lumingon ako sa kanya.
Kanina pa ako hindi mapakali, gusto ko siya tanungin tungkol sa group chat na 'yon pero hindi ko siya matanong kasi natatakot ako na malaman 'yong totoo na hinahayaan niya 'to mangyari, hinahayaan niya 'yong mga kaibigan niya na magsalita ng ganoon.
Inabot ko sa kanya 'yong phone ko. "Ano 'to?"
Confused niyang kinuha 'yong phone ko at tinignan kung ano 'yong nasa screen. "Ano 'to? Saan galing?"
"Sa group chat niyo daw ng Hermanos galing 'yan." Ide-deny niya talaga?
"Huh? Wala namang ganyan sa group chat ng Hermanos."
Tinaasan ko siya ng kilay dahil may evidence na nga itatanggi pa niya. "Ito na nga 'yong screenshots, anong wala?"
Inabot niya sa akin 'yong phone niya. "Oh, ikaw tumingin sa groupchat namin ng Hermanos. Sa tingin mo ba hahayaan ko sila pagsalitaan ka ng ganoon? Ano bang tingin mo sa akin, Daph? Lagi naman kitang pinoprotektahan."
Nagbaba ako ng tingin dahil may point naman siya. Lagi naman nga niya akong pinoprotektahan.
"Kuhanin mo na, Daphne, para matahimik ka," malamig niyang sabi at nilagay sa kamay ko 'yong phone niya bago niya kinuha 'yong gamit niya sa table at pumasok sa kwarto niya.
Nagi-guilty ako pero kailangan ko talaga malaman 'yong totoo. Kailangan ko malaman na hindi niya hinahayaan 'yong mga kaibigan niya na bastusin ako ng ganoon. Binuksan ko 'yong phone ko at lalo akong na-guilty dahil 'yong pin ng phone niya 0831, August 31 'yong anniversary namin.
Binuksan ko 'yong group chat ng Hermanos at nag-search ako ng pangalan ko at may mga iilan nga silang comments about me na hindi maganda pero lagi nga akong pinagtatanggol ni Braden. Hinahanap ko 'yong messages nila na nagre-rate sila ng mga babae pero wala naman dito... Hindi rin masyadong active 'yong group chat simula noong grade 9 kami...
Saan galing 'yong screenshot na nakakalat sa Twitter?
Tumingin ako sa mga messages nila ngayong araw.
Martin: Tangina, Cody! Bakit kinalat ni Sally 'yong screenshots? Akala ko ba napatahimik mo na?
Keith: Gago! Maling convo!
Elijah: Anong maling convo? May iba ba kayong GC? Wala naman dito yung screenshots! Ayusin niyo 'yan, ayaw kong madamay sa gulo na ginawa niyo.
Pat: Laglagan na ba, Elijah? Parang hindi kaibigan ampota.
Maling convo? May ibang group chat?
Kinuha ko 'yong phone ko para mag-message kay Elijah. Hindi ko muna pinansin 'yong galit na messages ni Ella sa group chat namin, dahil tungkol 'yon sa Hermanos at sa kumakalat na screenshots.
BINABASA MO ANG
[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)
Romance[Career Series 4]: Daphne Adrianne Castellano tries her best to live a stress-free life and hates it when others get in the way of her fun. She loves beaches and dancing which is always a part of her weekly activities. She's carefree but when it com...