Chapter 42

503 21 2
                                    

"Sana makabalik ka kapag naayos mo na 'yong schedule mo," sabi sa akin noong coach namin noong pumunta ako sa dance studio namin para kuhanin 'yong mga gamit ko.


Ngumiti na lang ako dahil hindi ko naman sigurado kung maaayos pa 'yong schedule ko.


Buong Christmas break kong pinag-isipan kung magku-quit na ba talaga ako kasi gusto ko naman talaga 'to pero ayaw ko kasi maging half-assed lahat ng performances ko dahil hindi talaga ito 'yong priority ko.


Noong makabalik ako sa unit namin ni Crystal, naglilinis si Ethan at Crystal ng kitchen namin habang kumakanta ng Wouldn't It Be Nice ng Beach Boys. Napailing na lang ako habang tinitignan sila, ang cute talaga ng dalawang 'to.


Lumingon sa akin si Ethan at ngumiti. "Hi, Daph! Kumusta 'yong pagkuha mo ng gamit?"


"Okay naman... Pinapabalik ako kapag maayos na raw 'yong schedule ko." I sighed. Sayang kasi talaga dahil ang hirap makapasok sa team na 'yon.


"Paano ka na sasayaw ngayon?" tanong ni Ethan.


"YouTube na lang siguro, nag-go-grow naman na 'yong channel ko. Doon ko na lang siguro ilalabas lahat ng gusto kong isayaw." Ngumiti ako. "Tsaka kailangan ko pataasin 'yong grades ko para makalipat ako sa UPLB next academic year."


Ngumiti si Crystal at tumango. "Ikaw bahala, Daph, basta masaya ka."


Ngumiti ako sa kanila bago ako pumasok sa kwarto ko... Nag-ayos ako ng gamit ko dahil pupunta ako ng UPLB.


Hindi alam ni Braden na pupunta ako pero alam naman na siguro niya 'yon kasi lagi naman akong nandoon.


"Ingat ka, Daph!" sabi ni Crystal bago ako makalabas ng unit namin.


"Kayo din, ingat sa pag-uwi." Kumaway pa ako sa kanila bago ako tuluyang nakalabas ng unit namin.


Medyo madilim na sa labas dahil 7PM na. Sana naman hindi traffic papunta sa UPLB... Dumaan muna ako sa McDo at nag-order ng pagkain just in case na tumagal 'yong byahe ko at tumuloy na ako papunta sa South.


Medyo minamalas ako dahil sobrang traffic papunta sa South. Dapat ine-expect ko na 'to dahil Friday night ngayon kaya marami talagang uuwi sa mga probinsya nila.


Mga 11PM na ako nakarating sa UPLB at pagtapat ko sa apartment ni Braden parang walang tao dahil nakapatay lahat ng ilaw. Naka-lock din 'yong gate.


Kinuha ko 'yong spare keys ko sa bag ko at binuksan ko 'yong gate. Pagpasok ko sa apartment ni Braden, nakita ko na nakakalat sa sala 'yong bag niya pero wala 'yong sapatos niya. Baka lumabas siya.


Kinuha ko 'yong cellphone ko para tumawag sa kanya pero cannot be reached siya kaya nag-send na lang ako ng text para sabihin na nasa apartment niya ako.


Inayos ko na lang muna 'yong mga kalat sa apartment niya dahil ang daming nakakalat na papers sa dining table tapos may mga papers din sa couch. Nilagay ko na rin 'yong bag niya sa room niya.

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon