"Then, stay. I'm not stopping you from staying, Braden." Ngumiti ako. "But you have to respect my decisions."
"Of course, alam ko naman na hindi pa buo 'yong tiwala mo sa akin pero maghihintay pa rin ako kahit pa ipagtulakan mo ulit ako." He caressed my face and the way he looked at me was like how he used to look at me when we were in high school... Like I'm the only thing that matters to his world.
"We're okay... I'm okay... So please, stop worrying too much. I just really need time to think this through. Our set up and everything else."
Ayaw ko rin naman masaktan siya dahil sa pagiging indecisive ko at gusto ko na matapos 'yong cycle namin ng sakitan noon. Gusto ko na baguhin ang lahat dahil sinabi naman niya na nagbago na siya at alam ko rin naman na nagbago na ako.
"Happy birthday, baby!" bati namin ni Braden kay Dawson pagkabukas na pagkabukas niya ng mga mata niya.
Ngumiti sa aming dalawa ni Braden si Dawson habang papikit-pikit pa dahil bagong gising.
"Blow the candle, baby!" excited na sabi ko kay Dawson at tinapat naman ni Braden sa kanya 'yong cake na in-order namin sa cafe ni Blair. "Make a wish."
Pumikit siya. "Baby sibling," bulong niya bago hinipan 'yong candle niya.
Nanlaki 'yong mata ko at nagkatinginan kami ni Braden na naka-smirk sa akin na parang inaasar pa ako. "Paano ba 'yan, Daph?"
Inirapan ko siya kahit natatawa rin ako dahil iniisip ni Dawson na binulong niya pero nasabi niya out loud. "Bahala ka diyan."
Tumawa ulit siya at binuhat na si Dawson. "Kain na tayo ng breakfast para makaligo ka na at makapag-ready sa party."
"What's that?" tanong ni Dawson at tinuro 'yong regalo namin ni Braden sa kanya na may takip na cloth sa ibabaw ng coffee table namin.
"Gift ni mommy at daddy," sagot ko sa kanya.
"Ohhhh! Gift!" excited na sabi ni Dawson at naglikot. "Baba, daddy!"
"Kain muna ng breakfast bago titignan 'yong gift namin."
Nag-pout si Dawson pero tumango din naman siya. Dapat talaga hindi ko pinapasama 'to kay Axel napapadalas 'yong pagpa-pout niya.
Dinala namin sa dining area si Dawson kung saan kami may mini breakfast party para sa aming tatlo. Ganito rin kasi 'yong ginawa ko noong nakaraang birthday ni Dawson dahil gusto ko may solo kaming party na kaming dalawa lang dahil hindi naman na talaga makakasama o makakausap si Dawson kapag may malaking party dahil lahat ng guests gusto siyang kuhanin at kargahin.
Inilagay ni Braden si Dawson sa high chair at kumain kami ng breakfast na si Braden 'yong nag-prepare. Bacon and cheese egg muffins at salad 'yong breakfast namin ni Braden habang si Dawson naman ang breakfast ay baked donuts.
BINABASA MO ANG
[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)
Romance[Career Series 4]: Daphne Adrianne Castellano tries her best to live a stress-free life and hates it when others get in the way of her fun. She loves beaches and dancing which is always a part of her weekly activities. She's carefree but when it com...