Chapter 16

522 15 3
                                    

"At bakit hindi ka sumama mag-jogging?" tanong agad sa akin ni Braden noong makasabay ko siya sa gate ng school.


"Bakit naman ako sasama sa'yo?" pagtataray ko sa kanya. Ang aga-aga siya agad nakita, sobrang panira lang. Wala naman talaga akong balak sumama sa kanya mag-jogging at napuyat din ako kagabi kasi kausap ko 'yong isang guy sa batch namin.


Medyo boring siya kausap pero bored din naman talaga ako sa buhay ko kaya kinausap ko na lang.


"Sabi mo, kailangan mo ng distraction," inosenteng niyang sagot. Parang hindi siya aware na kapag nakita kaming magkasama magkakaroon agad ng issue sa batch namin at sa buong school. Mabilis pa naman kumalat ang chismis at hindi ko alam kung paano nila nalalaman na magkasama sa labas ng school 'yong mga ibang students.


"Ayaw ko rin naman mapahamak, kaya distansya."


"Hindi naman kita ipapahamak."


Nagpigil ako ng tawa ko dahil 'yon ang common na sinasabi ng mga lalaking ipapahamak ka. Kung ano 'yong sinasabi nilang hindi nila gagawin, 'yon ang gagawin nila.


"Hindi mo alam kung gaano kagaling ang chismis, Braden." Sinasabayan niya ako maglakad kaya medyo lumayo ako. Weird naman kung makita kami ng schoolmates namin na parang sabay kami pumasok.


Wala naman talaga akong pakialam kung pag-usapan ako ng mga schoolmates namin, ang ayaw ko lang ay may makarating kay Ashton na kung anong balita na hindi naman totoo. Kahit naman mahal ako noon, ayaw ko masira 'yong image ko sa kanya.


Mukhang napansin yata ni Braden na lumalayo ako sa kanya kaya lumingon siya at kinunotan ako ng noo. "Bakit ba lumalayo ka?"


"Naalala mo noong pumunta tayo sa palengke tapos sinugod ka ng babae na mukhang gagawa pa ng gulo kung hindi mo napigilan?" tanong ko sa kanya. Hindi naman ako natakot doon sa girl pero ayaw ko mapahiya in public.


"Oh, bakit? Selos ka?" He gave me a teasing smile. Kainis talaga.


"Ew! 'Wag ka masyadong feeling, Braden! Hindi ako kasama sa mga hinaharot mo."


Tumawa siya at nag-shrug. "Wala naman akong hinaharot... Sila 'yong humaharot sa akin."


Pinaningkitan ko lang siya ng mata dahil sobrang taas ng tingin niya sa sarili niya!


"'Wag ka na magselos, Daph. Pwede namang ikaw na lang harutin ko kung gusto mo."


Nahampas ko na siya sa sobrang inis ko. Nakakapikon talaga! Sobrang inis na inis pa naman ako sa mga mayayabang na guys. "Ew ka talaga, Braden!"


Lumayo na lang ako ulit dahil ang lapit na naman niya. Nakasalubong ko si Harry, 'yong kausap ko kagabi, pati 'yong group of friends niya. Nabo-bore ako sa kanya kasi puro sarili lang niya pinag-uusapan namin pero kung ibabase naman sa sa face, pwede na.


Kumaway si Harry. "Buti nakatulog ka kagabi," he said meaningfully.


[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon