Chapter 59

668 22 6
                                    

"I feel bad for you, Braden, but you know what hurt me the most?" tanong ko sa kanya habang pinipigilan ko 'yong luha ko. I really do feel bad pero ayaw kong maging excuse niya 'yon. Bumabalik na naman sa akin 'yong painful memories namin pero kung ito 'yong kailangan ko para matahimik ako, dadamahin ko na lang 'yong pain.


Tumingin siya sa akin at malungkot 'yong mga mata niya na parang nagsasabi na ituloy ko 'yong sinasabi ko.


"I tried my best to be a great girlfriend, Braden, because I know that the world is cruel to you. Alam ko 'yong problema mo sa pamilya at alam ko na nasasaktan ka ng tatay mo. Lagi akong nandyan para pagaanin 'yong buhay mo."


"Alam ko 'yon, Daphne, at ikaw talaga ang best girlfriend. Sobrang swerte ko sa'yo pero sinayang ko 'yon... Hindi ko sinasabi lahat 'to, Daph, para bigyan ng excuse lahat ng ginawa ko dahil wala naman talagang excuse sa mga 'yon. Gusto ko lang malaman mo lahat ng problema na hindi ko sinabi sa'yo noon." He sighed. "Ang gulo kasi talaga noon, 'yong gulo na ayaw kong madamay ka."


Tumulo 'yong luha sa isa kong mata pero napunasan ko agad 'yon. "You were in pain pero hindi naman ako may kasalanan ng pain na 'yon kaya bakit ako 'yong nag-suffer? Kahit pa hindi ka na gumagawa ng excuse ngayon, masakit pa rin kasi alam ko na ginawa ko lahat para sa'yo."


"Sorry, Daphne, sorry sa pagiging rason kung bakit tayo naging magulo." He sighed and wrapped his arms around me. Pinunasan niya 'yong pisngi ko.


Hindi ko alam na kailangan ko pala 'yong apology na 'yon. Okay naman ako na walang apology, natutunan ko na rin pakawalan 'yong past namin pero siguro matatahimik na ako ngayon na nakakuha na ako ng genuine apology.


"Nandito ako para itama ang mga mali, Daphne. Hindi kita pipilitin, alam kong marami kang iniisip ngayon kaya hindi ka makakapagdesisyon pero sana hayaan mo 'kong gawing tama ang lahat." He sighed. "Mahal na mahal talaga kita Daphne at hindi ko na alam kung kaya ko pang palampasin ulit 'to."


Tumingin ako sa dagat na nasa harap namin. Kalmado lang 'yong dagat na opposite sa kung anong nararamdaman ko ngayon. Awa, inis, lungkot, at kung anu-ano pang emotions.


Hindi ko alam 'yong sasabihin ko dahil ang nasa utak ko lang ay si Dawson. Priority ko si Dawson sa lahat ng decisions ko.


Anak ni Braden si Dawson pero hindi naman ibig sabihin noon na magkakaroon ulit kami ng relationship dahil lang may anak kami. We tried and we failed. We tried again and we failed again.


Why is he not scared to try again? Why is he not as terrified as me?


Tumingin ako kay Braden na mukhang malalim din 'yong iniisip habang nakatingin sa dagat. At least I know that he's not doing this out of obligation.


He's not doing this because we have a child but then, what will he do if he finds out about Dawson? Will he force me to marry him because of that?


Naputol 'yong katahimikan namin noong may tumawag sa akin. Lumingon ako sa likod namin at nandoon si Heidi.


[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon