" How about the interview?" Nagkakagulo ang mga reporter sa labas ngunit hindi man lang ako nakakaramdam ng kung anong tensiyon sa aking katawan. Bakit ba kasi ngayon pa sila dumating.
" Hayaan niyo sila diyan, anjan na ba ang kasama ko sa interview?"
" Look at you, hindi ka pa nakakapag ayos ng sarili mo!" Kumusilap nalang ako sa mga kaibigan ko. Yap, they are right, wala pa akong ayos, although my light make up ang mukha ko, pero kapag humaharap ako sa mga media, kabog talaga ang make up ko.
May mga guwardiya na nakapalibot sa labas ng opisina ko. Hirap silang paalisin ang mga reporters na nakapalibot sa labas. Hinayaan ko na lamang sila.
" Urgh! Ang gulo, hindi ko na alam ang gagawin ko!, sino ba kasi ang makakasama ko diyan?!" Sa inis ay tumayo ako at nag ayos na lamang ng sarili, inilabas ko ang mga make up ko at saka nagsimulang mag ayos ng mukha, naayos naman na ang buhok ko kanina pa kaya ayos lang. Ang damit ko, maganda naman dahil nasa opisina ako.
" Nako, kung sino man yang bussiness man na atat na makita ka, napaka unproffesional niyang tao, see?-- hindi ka niya mahintay na makita, pinagmamadali ka pa gamit ang media!" Ang lilikot na ng mga mata ng kaibigan ko dahil sa pagkusilap nito sa ere. Hindi na rin niya mawari ang gagawin sa mga tao sa labas. At sino ba naman kasing tao ang makikipag meeting saakin pero may media, hindi pa parang nakakapagtaka yon?
" Wait! Wag kayong magtulakan please? Nag aayos na siya, kung gusto niyong maghintay, umurong kayo ng kaunti, maliwanag?!" Natawa na lamang ako sa isa ko pang kaibigan na nandito. Sa inis siguro ay lumabas na siya ng opisina at sinisigawan na ang mga reporters.
Ng naayos na ang lahat ng gagawin ko, kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas. Maiiwan ang mga kaibigan ko dito dahil hindi naman sila kasama sa meeting.
" Hello." Buti na lamang ay nag glasses ako, paglabas at pagbati ko pa lamang ay agad na nagflash ang mga camera ng mga media na ito. This is my first time na may humarang talaga na media sa harapan ng opisina ko. At sino kaya ang may gawa nito.
" Ma'am, naghihintay na po ang ka meeting niyo, didiretso po ba tayo doon?" Sambit ng sekretarya ko. Anong silbi ng media? Akala ko ba iinterviehin nila ako? Bakit panay picture lang ang inaatupag nila?
That's good though. Para naman hindi ako mahirapan na magsalita.
" Paki alis na tong mga media na to kung wala silang gagawin, okay? Ayoko ng magulo sa opisina."
" Yes ma'am!" Malaki ang building na ito ni papa, kaya naman mahaba haba ang lakad ko papunta sa meeting room. Kasama ata si papa sa meeting, kaming tatlo, kasama ang bussiness man na atat na makita ako.
Dumiretso muna ako sa opisina ni papa bago ako pupunta sa meeting room.
" Dad, pinaalis ko na ang media."
" Good, mauna ka na sa meeting room, may isa pa akong ime meet ngayon." Tumango ako at nagpaalam na aalis na. Habang naglalakad ay may mga bumabati saakin, binabati ko naman sila pabalik. Nakarinig ako ng tunog ng takong. Kaya alam kong tumatakbo nanaman ang sekretarya ko para habulin ako.
" Ma'am ayos na po--"
" Sinabi kong wag kang tatakbo kapag naka heels ka,diba?" Huminto ako sa harapan niya. Pawisan na ito dahil sa pagtakbo, kahit kailan talaga matigas na ang ulo ng sekretarya ko. Ngumiti naman siya at saka tumango.
" E kasi naman ma'am, ang arte ng makaka meeting niyo a, naghanda ako ng bongga today, di niyo pa nga napupuri ang suot ko e, tapos ganto na itsura ko!" Tumawa ako sa sinabi niya. Napakalayo ng hallway na to, kaya medyo malayo pa ang lalakarin namin, habang naglalakad ay nagku kwentuhan lang kami, sekretarya siya dati ni papa, pero ibinigay na saakin, dahil para daw mas mahasa ako sa kompanya noon, pero ngayon na lumipas na ang ilang taon, ako na ang namamahala sa kompanya namin, andito parin siya para gabayan ako.
" Mag ayos ka muna ng mukha, habang naglalakad tayo, baka gwapo yung bussiness man, magustuhan ka." Tawang tawa ako habang sinasabi iyon, ito kasing sekretarya ko, kapag alam niyang may makaka meeting ako na bussiness man, todo ang ayos niya, at baka daw magustuhan siya ng mga ito. Well, she's pretty naman, may topak lang ang mga milyonaryong mga to.
Ng makarating kami sa meeting room, may mga tao sa labas, which is guards siguro ng nasa loob, kulay itim ang uniporme nila at nakatayo lang sa labas. Niyuko nila ng kaunti ang kanilang mga ulo ng makita ako, kaya naman ginawa ko din yon.
" Anjan na ba ang makaka meeting ko?" Tanong ko sa secretary ni papa. Nauna pala ito saamin. May hawak itong logbook at ng makita kami ay bumati din ito.
" Hello ma'am, yes po, he's inside. Sa tingin ko ma'am, hindi mo siya magugustuhan na makita." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman? May nagawa bang kasalanan sakin itong makaka meeting ko? Bakit ganyan ang mukha niya?
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Pinagbuksan ako ng pintuan ng mga guwardiya na nandito. Nginitian ko sila.
" Thank you." Tumango lamang ito at saka bumalik sa pwesto niya sa labas. Naiwan ang dalawang sekretarya sa labas ng pintuan. Ibinaba ko ang bag ko sa aking upuan at saka aktong uupo ng mapagtanto kung sino ang lalaking nasa harapan ko.
Nakatalikod ito at may kausap sa telepono, nakaharap siya sa salamin ng building na ito, nakatalikod ito mula saakin ngunit kahit ganon, sa tindig niya palang, alam ko na kung sino ang lalaking ito.
Biglang nakaramdam ng pawis ang aking mga palad. Hindi ko na din magawang umupo pa o maglakad dahil sa nakikita ko.
" Talk to you later." Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng alisin na niya sa mukha niya ang telepono at saka humarap saakin. Tama nga sila, hindi nga kaaya aya na makita ang isang ito.
Napa ngisi ako ng makita ng tuluyan ang mukha niya.
" You make me wait." Kahit kinakabahan ay pinilit kong umarteng cool sa harap niya. Napaka layo ng distansiya namin sa isat isa pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
" It's not my fault." Kinuha ko ang aking bag at aktong aalis na ng may sinambit itong salita bago ako nakalabas ng meeting room.
" I miss you, love."
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceTotoo kayang kapag nagmahal ka, at na-attach ka sa taong iyon, mahirap mo siyang makalimutan? Totoo kayang kahit matagal na kayong nagkahiwalay nang landas ay may panahon na siya parin ang hanap-hanap mo? Mahirap nga namang makalimutan ang isang r...