" Pa, bukas, ibibigay na po namin yung document na last. Yun na po yung last task namin." Sambit ko kay papa habang nasa byahe. Naihatid na namin si sierra, at malapit na din kami sa bahay.
Nagluto daw si mama ngayon ng paborito kong ulam kaya gusto kong kumain na.
" Hmm, alam mo ba? Matinik din ang tagapagmana ng mga buencamino--"
" Pa!"
" Okay, sorry, sorry."
Bumaba kami at sinalubong ni mama. Hindi na nagta trabaho si mama sa company ni papa. Kasi hindi naman into bussiness si mama. May sarili siyang trabaho. She's a lawyer.
" Ma, how's your work?" Sambit ko habang umuupo sa isa sa mga upuan dito sa dining hall. Minsan sumasabay saamin kumain ang mga kasama namin sa bahay.
" Okay naman, bukas malalaman kung mapapanalo ko ang kaso."
" I know you' ll win that case ma, ikaw pa ba?" Ngumiti ito saakin at saka sinandukan ako ng makakain. My favorite ulam. Tomorrow is monday. So malapit na din ang presscon.
" Anak, bukas kasama mo pa si sierra right? Alam mo bang crush non ang anak ng mga buencamino?" Napatango naman ako sa sinabi ni papa.
" Alam ko po, pati nga ang anak ng mga melisande, gusto niya." Natawa nalang sila sa sinabi ko. Kumain kami ng maayos, pagkatapos namin ay sumunod na kumain sa hapag ang mga kasama namin sa bahay.
Pagkatapos non ay naiwan pa sila mama at papa sa sala habang naguusap. Ako naman ay nagpaalam ng aakyat na.
Naligo ako at nagayos ng mga gagamitin ko para bukas, bukas ko kasi makikita ang tagapag mana ng mga buencamino, kaya kailangan ma impress sila saakin. White na skirt ang kinuha ko at saka may ruffles na damit. Naka heels ako pero hindi naman masyadong mataas.
" Hello po!" Magandang bati ko, ito nalang ang scene araw araw. Babati, magpapaalam, ngingiti, kakain, papel at kung ano ano pa. Sumalubong si sierra at ate reese saamin. Akala ko ay didiretso kami sa opisina ni papa ngunit sa opisinang walang laman kami pumunta.
" Nagpatawag ako kay reese ng designer at painter para sa kwartong ito, mamaya ang dating nila, bahala ka ng mag design ng sarili mong kwarto." Nanlaki ang maya ko sa sinabi ni papa. Really? Hindi ko alam na papayagan niya ako.
" Really? Pa?! I have my plans, already." Tumango siya at saka ngumiti, dumiretso na kami sa opisina ni papa. Umupo lang ako doon at saka inayos saglit ang mga papel na ibibigay. Ngayon namin ibibigay ni sierra ang documents, sabi niya, medyo malayo daw, at madadaanan pa daw ang building ng mga melisande.
" Cerinna, ayos na ba lahat? Nakahanda na ang sasakyan, tara na?"
" Yah, let's go-- pa, i have to go." Hinalikan ko ang pisngi ni papa at saka pumunta na sa sasakyan namin. Dalawa ulit kami ni sierra at saka ng driver, may nakasunod na ibang sasakyan saamin. Which is mga bodyguards ni papa. Para daw safe kami.
" Yes, we're on our way. Yes-- i'm with Ms. La Valse.--, thank you." Sambit ni sierra, binaba niya ang telepono, ng makita niyang tumingin ako sa kaniya, ngumiti naman ito.
" Naka assemble na daw ang mga guards sa labas para salubungin ka. Andoon na din daw si Mr. Buencamino." Tumango ako. Habang nasa byahe, nag aayos ako ng sarili ko. Naglagay ng lipstick at blush on. Ganon din si sierra.
Pagdating namin doon, may mga guwardiya nga sa labas. May ilang media pero hindi naman sila agresibo. Hindi katulad ng mga media doon sa kompanya.
" Nice to meet you, Mr. Buencamino." Naunang bumaba si sierra at sumunod ako, ako ang unang bumati, yumuko naman ng bahagya ang mga tauhan niya saakin, nginitian ko naman sila.
" Nice to meet you too, Ms. La Valse, let's go inside." Inalalayan niya akong maglakad, nasa likod nanaman of course si sierra, magkakilala ata sila nung sekretarya ni Mr. Buencamino dahil naguusap sila sa likod.
" Have a seat, malayo ang binyahe mo dahil lang sa dokumento na yan."
" Hindi naman, ayos lang, at saka wala namang ginagawa sa opisina." Tumango ito at saka ngumiti, grey naman ang color ng kaniyang opisina. Malaki din ang kaniyang sofa set, at double doors din ang pintuan ng opisina niya.
Nilapag ni sierra ang documents sa harapan ni Mr. Buencamino. Ngumiti si sierra ngunit hindi tumango lang ang lalaking ito.
" Is this all?, nice, you did a great job." Nagkatinginan kaming dalawa ni sierra. Binuksan niya ang folder at saka tinignan ang laman nito. Iningatan ko talaga ng bongga ang documents na yan, dahil ako ang representative ni papa.
" Thank you." Binigay niya sa sekretarya niya ang papel, kinuha naman ito at saka nilagay ng babae doon sa lamesa ni Mr. Buencamino.
Nakatingin ng mataman saakin ang lalaking nasa harapan ko.
" How should i call you? Cerinna? Alexandria? What?" Umayos ako ng upo at saka sumagot.
" Kahit naman ano, it's not a big deal tho." Tumango tango ito at saka sumandal sa sofa na inuupuan niya.
" Kumalat ang mga larawan niyong dalawa ng Melisande, right? What are your plans regarding this?" Umismid ako bago ngumiti, saka siya tinignan ng mataman sa mukha. Nagtama ang aming paningin.
" Magkakaroon ng presscon, sa tuesday, if you want to come or if papa will invite you." Hindi ko na naituloy ang sinabi ko. Tumayo na siya at saka nagayos ng sarili.
Tumayo na din ako dahil aalis na ako. Hindi naman ako magtatagal kaya naman nag ayos na din ako. Baka magkaroon nanaman ng issue about us.
" You are scared of me? Ms. La Valse? Baka magkaroon tayo ng issue?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Paano niya nalalaman yon?
Tumingin ako kay sierra, alam na niya ang tingin na iyon, lumabas siya para maihanda na ang sasakyan namin. Aalis na kami.
" I'm sorry, what did you say?"
" Nothing, aalis na ba kayo?" Tinignan ko ang sekretarya niya na may kausap sa telepono. Tumango ako sa kaniya at saka nagsimula ng maglakad.
" Yeah, kung wala naman ng paguusapan, Mr. Buencamino, aalis na din lang kami." Ngumiti siya habang papalapit kami sa sasakyan namin.
Bumabati ang mga tauhan niya kaya nagpapaalam ako sa kanila.
" Thank you for coming, see you on tuesday, i'll watch."
" Thank you, Mr. Buencamino." Nagkipag kamay ito saakin.
" Jackson Buencamino."
" Cerinna Alexandria La Valse." Nag ngitian kami at nag beso bago niya hinawakan ang kamay ko at inalalayang umupo sa aming sasakyan.
" Take care, Alexandria."
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceTotoo kayang kapag nagmahal ka, at na-attach ka sa taong iyon, mahirap mo siyang makalimutan? Totoo kayang kahit matagal na kayong nagkahiwalay nang landas ay may panahon na siya parin ang hanap-hanap mo? Mahirap nga namang makalimutan ang isang r...