" Bilisan niyo, parating na daw ang mga Melisande." Naghahanda na sila mama at papa dito sa bahay namin, nagpalinis si mama ng bongga at pinalagayan ng ilaw ang fountain namin. Nagluto sila ng napakaraming pagkain para saamin at sa parents ni Ali.
" Ma, hindi naman po kailangang magmadali e." Sambit ko. Andito kami sa bahay, si Ali kasama ng parents niya. Hindi pa to pamamanhikan, talagang magsasama lang sila para magkakilala na din.
Hindi na ako nag abala pang tumawag kay Ali, baka nasa byahe na sila.
" Ma'am, anjan na po ang mga Melisande." Sambit nila. Sabay sabay kaming naglakad nila mama at papa sa pintuan namin para salubungin sila. Naka van silang lahat. May mga guards din sa unahan at hulihan.
" Mrs. La Valse, it's so nice to see you, finally!" Nagyakapan si mama at tita quena. Okay? I think close sila.
" Nice to see you, Mr. La Valse." Nagkamayan naman sila papa at tito antonio. Magkakilala na ba sila dati? Bakit parang ang close nila.
Habang nakatingin ako sa kanila, may humigit sa beywang ko.
" I miss you, baby.." Hinalikan niya ang labi ko. Humalik naman ako pabalik. Niyakap ko siya.
" I miss you love." Sanbit ko. Pumasok na kami sa loob, habang papasok kami naguusap sila mama at tita quena tungkol sa bahay namin.
" Ang laki na pala ng napundar niyong mansiyon, mas nilakihan niyo pa pala."
" Oo, gusto ni luciano na palakihan pa, dahil ipapamana daw ito kay Alexandria, alam mo naman, nagiisang anak." Nasa hapag na kami ngayon, at magkatabi kami ni ali. Naguusap pa sila kaya hindi kami napapansin ni Ali.
" Love.."
" Hmm?" Tumingin ako kay Ali, nakasimangot ito. Kaya nagtaka ako, kanina lang ang saya nito a? Hinarap ko siya, hindi pa naman nagsisimulang kumain kaya hinarap ko muna ang upuan ko sa kaniya habang naguusap pa sila mama.
" May problema ba ang Ali ko? Hmm?." Ngumisi siya. Hinawakan niya ang kamay ko. Tumingin ako ng mataman sa mga mata nito.
" Ilang oras lang akong nahiwalay sayo, parang miss na miss na kita, damn it." Tumawa ako. Ang cute niya.
" Sasama naman ako sayo mama--"
" Ehem." Natigil kami ni Ali ng magsalita ng sabay sila mama at tita quena. Napaharap ko ang upuan ko sa kanila ng agaran. Tumawa sila.
" Mukhang may pinaguusapan sila kumare." Napalunok ako at saka ngumiti. Hindi naman kumikibo si Ali sa tabi ko.
" Anong plano niyo iha? Alam ko dudumugin kayo ng tao kapag inamin niyo ito sa mga media." Sambit ni tita quena. Magkatabi sila ni mama.
" Hindi ko po alam kay Ali tita, actually hindi naman na po kailangan na sabihin pa sa media--"
" I want it, love, kailangang sabihin sa mga tao para wala ng aagaw pa sayo." Tumawa na parang kinikilig sila mama at tita, para silang mga bata, ang cute.
" Okay, bahala kayo, sasama kami sa presscon kung ayos lang sa inyo?" Tumingin ako kay Ali. Tumango siya kaya alam kong ayos lang.
" Sure tita, sasabihin ko po sa organizer ng presscon." Kumuha na kami ng makakakain. Mamaya daw ay mag iinuman sila papa at tito, baka sasama si Ali.
" Kung pwede sana ay kasal na kaagad, para hindi na kami mahirapan pa ni Luisa." Napalunok ako sa sinabi niya.
" Mom, you're making her uncomfortable."
" No, it's fine."
Matapos kaming kumain ay nasa sala na kami, may mga alak na din na nakalagay dito sa lamesa. Dito na ata sila iinom.
" Gusto mo bang uminom ali? Baka pagalitan ka ni Alexandria." Tumingin sa akin si Ali. Tinaasan ko naman siya ng kilay, nag puppy eyes pa ito.
" Ayos lang po, kapag natamaan naman po kayo diyan, nakahanda po mga guestroom namin." Tumango si tito at saka binigyan ng baso si Ali. Sila mama naman at tita quena ay nasa gilid at naguusap, kumakain pa nga ng cookies and cream na ice cream. Kumuha din ako.
" It's been a month? Or a year since hindi kami nagkita ni Luisa, alexandria. Magkaibigan kami ng mama mo simula ng pumasok kami sa business." Tumango tango ako habang kumakain ng ice cream. Si Ali naman ay nasa tabi ko at umiinom. Hindi ko siya napapansin dahil andito ako kila mama nakaharap.
" So magkakilala po talaga kayo ni mama tita quena? Kaya po pala kanina parang excited kayong magyakapan." Tumawa si mama, nag apir pa sila.
" Hindi na kami nakakapag bonding ng mama mo, dahil busy kami sa business namin."
" Kaya nga po tita e, sa super busy niyo po, napalago niyo ng maayos yung mga business niyo." Naramdaman ko ang kamay ni Ali sa beywang ko. Lumapit ito sa akin.
" You're avoiding me? Should i stop drinking?" Humarap ako sa kaniya.
" No, it' s fine, wag lang masyado." Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib nito. Kumakain parin ako ng ice cream.
" Kamusta pala ang project niyo, alexandria?" Tumingin ako kila mama at tita. Tsaka ngumiti.
" Maayos naman po, naumpisahan na po nila, hindi ko nga lang po alam kay Ali kung kailan ang balik namin sa site." Tumango sila mama. Naubos na nila ang kinakain nila.
" You want me to tour you, Quena?"
" Sure, maiwan muna namin kayo."
Nanahimik ako dito sa upuan ko ng umalis sila mama at tita. Nakasandal lang ako kay Ali.
" What about you? Should you tour me on your room? And do some---"
" Ali, you're drunk?" Sabay na tanong ko sa kaniya. Nagsasalita siya ng ganon ng kaharap sila papa, baka marinig nila kami.
" I'm not, baka pagalitan ako ng girlfriend ko." Namula ang pisngi ko. Hinawakan ko ang damit niya dahil doon.
" I love you, Mr. Melisande." Napalingon siya sa sinabi ko.
" I want you, Ms. La Valse." Kinurot ko ang tagiliran niya. Ngumisi naman ito.
Pinapanood ko lang sila na uminom, hindi din naman nila ako pinapansin kaya patas kami. Joke.
Si Ali naman, medyo lasing na, dahil namumungay na ang mata niya.
" Love, you're drunk, what should i do?" Sambit ko. At saka siya tinignan. Wasted Mr. Melisande it is.
" Can i go to your room?" Tumayo siya. Hindi kami napansin nila tito at papa. Nakarating kami sa kwarto ko. Nakakahiya ang kulay nito. Pero parang opisina ko. Ng sinara ko ang pinto, siniil niya ako ng halik.
" I love you, Mrs. Melisande."
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceTotoo kayang kapag nagmahal ka, at na-attach ka sa taong iyon, mahirap mo siyang makalimutan? Totoo kayang kahit matagal na kayong nagkahiwalay nang landas ay may panahon na siya parin ang hanap-hanap mo? Mahirap nga namang makalimutan ang isang r...