" Hindi ko lang alam na gagawin mo yon, Mr. Melisande." Paliwanag ko. Naiwan kami dito nila sierra. Sa simpleng bagay na iyon ay mapapansin niya pa. At bakit pumayag din si papa na iwan nanaman kaming dalawa. Alam niya namang ayaw kong naiinvolve sa iba.
" Okay, i think you're avoiding me, that's why."
" I have to go, Mr. Melisande, may gagawin pa akong isang document. Uh, may sasabihin ka pa ba?" Palaam ko habang kinukuha ang mga gamit ko sa aking tabi. Si sierra naman ay tumayo na din. Hindi siya sumagot ng ilang minuto.
Nanatili ang tingin niya saakin. Tinitignan ang bawat galaw ko.
" Okay, see you on tuesday then. I'm sorry." Aalis na sana ako ng nakonsensiya ako sa ginawa ko. Bakit ba napaka pabebe ko? Ugh. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ieentertain ko pa ba siya?
" Shit, Mr. Melisande, I'm sorry for my attitude." Bumalik ako sa upuan ko kanina at saka tinignan siya. Ano bang ginagawa mo, cerinna? Bakit ginaganito mo siya?
Hindi siya sumagot. Kaya hindi din ako sumagot.
" Hey, h- hindi lang ako sanay na may gumagawa ng ganoon sakin, at saka kaya hindi ako masyadong nakikipag usap kanina ay dahil nagulat talaga ako." Sambit ko. Damn, ang liit na bagay, ganito ba ang isang melisande? Seloso? Seloso ba ang tawag dito?
Umayos ako ng upo at saka tinignan siya ng malumanay. Hindi naman ako galit, sadyang nagulat lang ako sa ginawa niya kaya parang medyo awkward.
" You want to eat? Alexandria? Where is your mini kitchen here?" Ngumiti ako ng magbukas siya ng bagong topic tumayo ako at saka sumunod siya saakin na pumunta doon. Nagkatingin ang mga tauhan ngunit wala naman kaming pakialam, nagiging maayos ang relasyon namin sa isat isa. Wala namang masama kung maging magkaibigan kami diba?
" Nice foods, ikaw siguro ang pumipili ng mga iyan."
" Hindi naman, binase ko ang mga pagkain dito sa mga paborito din ng mga tauhan ni papa. Para hindi sila magsawa sa binibili nila sa ibang pagkain na nabibili sa labas." Tumango siya. Kumuha siya ng macaroons, ako naman waffles. Nakaupo lang kami dito sa may maliit na lamesa. Walang nagsasalita.
Maya maya, dumating si avril, ang secretary ni Ali.
" Sorry for disturbing you sir, but your mom just called me awhile ago, you have your important meeting with buencaminos." Tumango si Ali sa sinabi niya. Ngumiti ito saakin kaya ngumiti din ako.
" Gusto mong kumain?" Sambit ko sa sekretarya niya. Ngumiti lang ito ay saka umiling, nahihiya siguro.
" Alexandria, i have to go, see you on tuesday? Take care. Medias are everywhere." Tumayo na ako ng tapos na siyang magayos ng sarili niya. Nakaayos na din ang sekretarya niya at handa ng umalis.
" Ikaw din, Ali, salamat." Ngumiti lang ito at saka nagpaalam ng umalis. Naiwan akong magisa dito sa mini kitchen. Walang may lakas ng loob na lumapit saakin at magtanong. Kita ko sa gilid ng paningin ko na nakatingin at nakasilip ang mga empleyado dito sa kinatatayuan ko.
Humakbang na ako palabas ng mini kitchen kaya naman balik sila sa trabaho nila. Hindi naman ako nagsalita sa kanila, diretso lang ang tingin ko at saka dumiretso sa opisina ni papa.
" Sierra, ayusin na natin itong isa pang documents, sabi kasi ni papa kanina, kailangan na din daw itong ipasa sa kompanya na kailangan ito." Binuksan ko ang computer at inumpisahan ng magprint ulit ni sierra. Buong hapon ay normal naman ang lahat, busy na din si papa makipag usap about sa presscon kaya wala siya dito, may mga ka meeting din siya kanina kaya kaming dalawa lang ni sierra ang nandito.
" Isa pa tong kompanya na to, gwapo rin ang tagapagmana nila. Hindi ko alam kung saan ako kakampi e." Sambit ni sierra habang nagpi print ng mga documents.
Tinignan ko siya at saka tumawa.
" Gwapo hunter ka talaga ano? Ano bang meron? Nauubusan na ba ng mga lalaki?" Sambit ko. Ngumiti naman ito ng awkward at saka ibinaling ang tingin niya sa papel.
" Madali lang matapos to dahil kaunti lang, kaya baka bukas maibibigay na natin ito."
" Sige, tapusin na natin ito, para bukas maibigay na natin." Naging busy kami ng ilang oras. Lalabas lang si sierra kapag kakain kaming dalawa at magpapahinga. Hindi naman siya nagtanong about kanina nung magkasama kaming dalawa ni Ali.
Walang nagsasalita habang busy sa ginagawa. Si papa naman, wala pa din hanggang ngayon, sinabi niya kanina na sa bahay kami kakain, pero dumidilim na, hindi parin tapos ang meeting niya.
" Anak, may isa pa akong meeting, is it okay if you two will wait?" Nagkatinginan kami ni sierra.
" Yes pa, pero paano po si mama? Baka naghihintay na siya sa bahay."
" Pinatawag ko na siya kay reese, hihintayin niya daw tayo,okay?, i'll go now." Nagpaalam na si papa at saka lumabas nanaman ng opisina niya. Natapos na kami sa gawain na ito, bukas ay ipapasa na naming dalawa. Wala na kaming magawa ni sierra kaya lumabas kami.
Pumunta kami sa kwartong katabi ng opisina ni papa. Walang kalaman laman ang opisina na ito. Sabi ni papa ay sa akin daw ito, hindi ko lang alam kung kailan niya ako balak payagan na disenyuhan ang kwartong to. I can't wait.
" Sabi ni sir, sayo daw itong kwarto na to, ano naman ang kulay na ilalagay mo dito?" Tumingin ako kay sierra, nakatingin lang siya sa apat na sulok ng kwartong ito. Double doors itong kwarto na ito. Kaya maganda talaga.
Sa tingin ko palang, naiimagine ko na ang ayos at itsura ng magiging opisina ko.
" Siguro, grey at white nalang, kagaya sa kwarto ko sa bahay, para naman hindi masakit sa mata kapag may papasok." Tumango tango naman siya. Gusto ko, mahaba ang lamesa na gusto ko, para malawak ang paglalagyan ng mga papeles kung sakali. Gusto ko din ng malaking sofa set sa harapan kagaya ng sa opisina ni Ali.
" Bakit hindi ka pa pinapayagan ni sir na mag drive? Anlaki mo na kaya."
" Hindi pa ako marunong actually, hindi kaya ng oras ko magsanay magdrive." Kuminang ang mata niya sa naisip. Hindi ko alam ang nasa isip ng babaeng ito.
" Paturo ka kay Mr. Melisande."
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceTotoo kayang kapag nagmahal ka, at na-attach ka sa taong iyon, mahirap mo siyang makalimutan? Totoo kayang kahit matagal na kayong nagkahiwalay nang landas ay may panahon na siya parin ang hanap-hanap mo? Mahirap nga namang makalimutan ang isang r...