27

51 23 1
                                    

" I will answer your question, but please turn off your cameras flashes." Nagtanguan ang mga media. Agad nilang inassemble ang kanilang mga camera.

" Is your daughter okay now, Mr. La Valse?" Tumingin si papa saakin. Nakahawak ako sa braso niya. Babalik na ako ngayon sa trabaho makalipas ang isa't kalahating araw sa ospital.

" Yes, my daughter is just tired because of work." Ngumiti si papa. Ang ilang camera ay saakin naka focus. Sobrang ayos na ng pakiramdam ko. At nakakangiti naman ako sa kanila. Nagpa stand by pa nga si papa ng ambulansiya sa labas. Hanggang mamayang hapon sila maghihintay.

" Ms. La Valse, how are you feeling right now?" Sambit ng isang reporter habang naglalakad na kami ni papa papasok sa building namin.

Yumuko ako bilang pagbati bago ako sunagot sa tanong niya.

" I'm feeling good." Iniiwas na ako ng guards sa mga media, nauna na nila akong pinapasok sa loob. Naiwan pa si papa sa labas. Ng makarating ako sa hallway at naglalakad, bumati ang mga tauhan ni papa saakin.

" Ma'am, ayos na po ba kayo?"

" Ma'am cerinna, sana nagpahinga pa po kayo" Hinarap ko sila at saka ngumiti. Yumuko nanaman ako bilang pagbati.

" I'm fine, thank you."

Nakarating ako sa opisina ko. Dinalhan ako ni sierra ng maiinom at makakain. Andito na siya sa opisina.

" Maayos ka na ba talaga? Dapat nagpahinga ka muna." Ngumiti ako pagkatapos kong isubo ang binigay niyang pagkain saakin.

" Ayos na ako, may meeting ako ngayon, hindi ako pwedeng mahuli."

" Ah, oo, pupunta pala tayo kila Mr. Melisande ngayon no?" Tumango ako. Inubos ko ang pagkain ko bago ako uminom ng gamot. Nagpahinga muna ako ng kaunti. Tumawag na din si sierra sa kabilang kompanya para sabihin na papunta na ako sa kanila.

Kinuha ko ang mga gamit ko at saka nag ayos ng mukha.

" Pa, alis na po ako, see you later."

" Ingat ka iha, tumawag ka kapag hindi maganda ang pakiramdam mo."

Humalik ako sa pisngi ni papa at saka umalis na kami ni sierra. Nauna siyang sumakay bago ako.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa opisina ni Ali, hindi naman masyadong ma traffic pero late kami ng kaunting panahon.

" Take a seat." Umupo ako, katabi ko naman si sierra. Nanatiling nakatayo si Ali. Nakita kong wala pa ang mga engineers at architect, baka sila na lang ang hinihintay namin.

" How are you feeling?"

" I'm good." Tinapos ko kaagad ang usapan. Ayaw kong makipag usap sa kaniya. Hindi maganda ang pakiramdam ko kapag kausap ko siya at nakikita. Bakit kaya?

Tumayo ako ng bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang dalawang makakasama namin.

" How are you feeling Ms. La Valse, good day also." Bineso nila akong dalawa bago sila umupo sa harapan ko.

" I'm good, thank you." Ang isang lalaki ay nag aassemble ng projector sa gilid, siguro ay may presentation siya. Umupo ako ng maayos, sumandal ako sa upuan at saka hinintay na matapos sila. Nakatingin naman saakin si Ali.

Hinayaan ko siyang nakatingin saakin, wala namang mawawala sa akin kapag ganon.

" Shall we start?"

" Go."

Binuksan na ang projector, agad na nag flash doon ang isang drawing, digital siya. Siguro ito ang resulta ng gagawin naming project, maganda.

" Kapag natapos po ang gagawin nating project, ganito ang kalalabasan, malawak talaga ang proyekto niyo, Ms. La Valse and Mr. Melisande." Tumango ako. Nakatingin lang sa harap si Sierra, si Ali naman ay nakatingin saakin. I feel uncomfortable.

Nag slide naman uli ang powerpoint. Sa loob naman na ito ng building.

" Ito po ang kalalabasan sa loob. Hindi pa namin pinalalagyan ng kwarto dahil hindi pa po namin alam kung ilang kwarto ang gusto niyong ilagay dito." Umayos ng upo si ali, nakaagaw iyon ng atensiyon ko.

" Na estimate niyo na ba kung ilang kwarto ang kakasya diyan?" Tanong ni Ali. Agad na tumango ang isang lalaki.

" Yes, halos 65 ang mabubuong kwarto dito, mula 7th floor ang building na magagawa, kaya marami ang rooms bawat isang floor." Napatango naman ako, malaki nga talaga ang magagawa naming building. Kaya naman excited ako.

" May gusto pa po ba kayong idagdag? Sa labas naman po ng building, malaki pa ang espasyo--"

" I think sa likod ng building kailangan natin magtayo ng swimming pool." Tumingin ako kay Ali at ngumiti. Tumango siya. Tumango din ang mga kasamahan namin.

" Good idea, Ms. La Valse." Yumuko ako bilang pasasalamat.

" Natapos na ba ang mga kailangang gawin sa site?" Ani ali.

" Yes sir, actually, bukas maglalagay na kami ng mga harang para masimulan na ang--"

" Babe!" Tumayo si sierra at ang mga iba pang kasama namin dito sa opisina. Ng biglang bumukas ng walang pasabi ang pintuan at saka pumasok ang babaeng ito. Siya yung kasama ni Ali doon sa ospital nung isang araw.

" Andreana?" Halos magigting ang panga ni Ali ng makita ang babae. Biglang nagtaas ng kilay sa akin yung babae. Kaya tinignan ko siya ng mataman sa mata.

" All of them greeted me, and stand when i open the door and call--"

" Mr. Melisande, your secretary should know that when there's a meeting happening inside. The door is locked." Wala naman dito ang sekretarya niya kaya ayos lang, sorry kay avril. Agad na pinulupot ng babae ang kamay niya sa braso ni Ali. Nag init ang ulo ko.

" Babe, why is she like that?" Nanlaki ang mata ko ng pinulupot din ni ali ang kamay niya sa beywang ng babaeng ito.

" You should greet her, andreana." Tumayo ako ng dahan dahan bago siya tinignan ng mataman sa mata. Kumusilap siya saakin.

Nag dabog pa siya ng saglit bago lumapit saakin.

" Maria Andreana Ravel, it's not so nice to meet you." Kunwaring ngumiti siya sakin at saka inilahad ang kamay niya saakin.

" Cerinna Alexandria La Valse." Sambit ko at hinayaang mangawit ang kamay niya sa ere dahil hindi ko sinalo ang kamay niyang nakalahad.

Nagmuka siyang tanga.

" Let's continue the--"

" Babe, can we go shopping--"

" Nonsense."

Tumingin ang lahat sa sinabi ko.

" Mr. Melisande, kung hindi mo mapapatigil yang babae mo--"

" I'm sorry, let's go, babe."

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon