82

29 4 0
                                    

" Good morning, Ms. La Valse and Mr. Melisande." Today is my scheduled check up for our baby. Si ali na ang sumama. Kahit na saglit lang kami dito ay gusto niyang ipa cancel ang mga meetings niya, pero napigilan ko naman.

" Good morning."

Naupo kami. Next month pa pala pwede makita ang loob ng tyan ko. Check up lang pala ngayon, pati mga vitamins ay ibibigay saakin.

" So far so good. Hindi ka naman ba nakakaramdam ng kakaiba sa tiyan mo? Or sa katawan mo?" Tinignan ako ni Ali. Nag aalala ito. Nag isip naman ako.

" Wala po, nakatulong din po yung binigay niyong ointment para hindi ako magduwal every morning." Ngumiti siya at tumango. Hindi naman sumasabat si Ali, tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ko. Sa sobrang OA ni Ali, nagpadala siya ng guards na kasama namin ngayon.

" That's good, i'll give you some medicines and teas, makakatulong yon para healthy ang baby niyo, next week, pwede na nating makita ang tiyan mo." Ngumiti ako. I'm excited.

" Thank you doc."

" Mr. Melisande, congratulations." Tumayo na kami, binigay na samin ang mga gamot. Isesend nalang daw through atm ang bayad namin. Medyo marami din kasi ito at may kamahalan. Nakipag kamayan si ali sa doctor.

" Thank you also for taking care of her-- we're going."

Tumango ang doctor. Nagpaalam na kami, naglakad kami palabas ng ospital. Sumakay ako sa kotse niya.

" Ngayon ko lang nalaman, kaya pala lately hindi ka naghe heels, i'm so dumb for not noticing that." Hinawakan ko ang kamay niya habang nagda drive. Ngumiti siya. Hindi ko alam kung saan kami didiretso.

" Nag iingat lang ako, Mr. Melisande--"

" You should, our baby must be very happy." Tumawa ako. Hawak niya ang kamay ko habang nagmamaneho.

" We're going to meet the wedding coordinator today, hindi muna ako papasok, i'll take care of my family first." Aww. Natutunaw ako sa mga sinasabi ni Ali. Saan niya nakukuha ang mga ganoong salita?

" Habang maaga pa sana, gusto ko na ikasal, ayaw kong maglakad habang malaki na ang tiyan ko, Alleandro." Tumingin siya saakin. Maganda naman kapag naglalakad ka sa altar kasama ang baby mo, pero ayaw ko naman ng sobrang laki na ng tyan ko habang naglalakad ako. Gusto ko maging sexy parin kahit buntis na.

" Okay, we'll talk about that. Maybe next week, let's get married--"

" Hey, that's too early, maybe next next next week will do." Tumawa siya. Dumiretso kami sa opisina niya. Hawak niya ang kamay ko buong oras na naglalakad kami, gusto niya talagang ingatan ako. Well, that's so nice. Napapangiti ako sa effort na ginagawa ni Ali para sakin at sa baby namin.

" Okay, if you want that, we'll do it."

Nasa meeting room kami, andon na din ang mga wedding coordinator.

" Ma'am, ito po ang ibat ibang designs para sa church, mamili lang po kayo diyan, kung may gusto naman po kayong idagdag, sabihin niyo lang po saamin." May nakahagilap naman kaagad ng aking paningin. Ang ganda ng kulay niya. Kaya naman iyon nalang siguro.

" I like this one, this is so nice, mas damihan nalang siguro ng bulaklak ang paligid." Tinuro ko ang kulay na gusto ko para sa simbahan, may mga aayusin lang sila doon at ang kulay na napili ko ang ilalagay nila.

" Okay Ma'am-- ito naman po sa reception niyo, colors po ulit." Tumingin ako kay Ali, may gusto atang sabihin. Nakatingin siya sa mga papel na nasa harapan namin.

" I like this color, but if you want something else, i'll accept it." Napatawa ang mga coordinator sa sinabi ni Ali, well, maganda naman ang napili niya at babagay naman sa kulay na napili ko para sa simbahan. Nakapag schedule na rin kami kung kailan ang kasal. At kung saang church.

" Itong kulay nalang na napili ni Ali, babagay naman siguro siya sa color ng napili ko para sa simbahan ano?" Tanong ko sa kanila. Tumango sila at saka ngumiti.

" Yes ma'am, perfect combination."

Chineck nila ang mga binibigay kong mga papel sa kanila. Sunod naman ang invitation cards. Our wedding will be next next week. Kailangan ng matapos ito.

" This are the exclusive and elegant wedding invatations that we have, Ms. La Valse." Tinignan ko isa isa. Well, maganda nga silang lahat, may mga designs ang papers at saka mukhang pang mayaman nga ang invitation cards nila.

" Ali, what do you think? Ito ba o ito?" Nahirapan ako sa pagpili. Magaganda lahat ng designs pero itong dalawa na to ang nakapansin sa atensiyon ko, kailangan ko lang mamili ng isa. Kaya nahihirapan ako.

" This one, looks pretty, just like you." Ngumiti ako. Nakakahiya naman sa mga kasama namin, halatang kinikilig din sila. Binigay ko ang papel na napili ni Ali.

" May shop po kami ng mga wedding dresses ma'am, kung may time po kayo, ipa schedule nalang po natin, pwede niyo din po silang isukat." Tumango ako. Mamaya ko nalang siguro aasikasuhin ang mga iyon.

" -- the wedding cakes naman po ma'am, ito po sila, meron pong 3 layer cakes, 5 layer cakes and 8 layer cakes." Sambit niya. Tinignan ko ang bawat design, gusto ko ng simpleng cake lang. Pero may pinaglalaban ata itong si Ali.

" I want the 8 layer cake, make it very elegant and pretty." Sambit ni Ali. Napatango ang mga kasama namin. Okay, 8 layer cakes, mukang mapaparami ako non a.

" Sa pagkain po, sinabi na saamin na may chef daw po kayo."

" Yes, meron nga, sila nalang siguro." Tumango sila. Nakakain na sila ng meryenda nila kanina habang naghihintay saamin. Medyo marami kaming nagawa ngayon kaya baka itutuloy nalang ulit bukas.

" Kung kailan po kayo pupunta sa shop namin, doon nalang din po natin pag usapan ang mga iba pa pong bagay about sa wedding ninyo." Tumayo na kami ni Ali. Inalalayan niya ako. Kinuha naman nila ang mga papel na nasa lamesa at nilagay sa isang case.

" Sige, salamat sa pagpunta, itetext nalang kayo ng secretary ko kung kailan kami pupunta sa shop niyo." Paliwanag ko. Nagpaalam na sila at saka sila umalis ng meeting room.

Kinuha ni Ali ang beywang ko at saka hinalikan ang noo ko.

" I can't wait to see my wife walking at the aisle.."

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon