42

47 16 1
                                    

Weeks has passed, hindi parin natutuloy ang presscon, pero ngayon, tuloy na tuloy na. Sa loob ng isang linggo, naging busy kami ni Ali kaya hindi namin matuloy tuloy ang presscon.

" Mr. La Valse, and Mr. Melisande, anjan na po ang mga make up artists ng mga asawa ninyo and also yung make up artists ni Miss La Valse,--- pasok na po kayo." Pumasok na ang mga make up artists. Nakaupo naman kami dito sa secret room, dito kami aayusan. This is a big day, actually.

" Maayos na ba ang lugar sa labas?" Tanong ni papa habang nagaayos sila ni tito ng coat nila. Si ate reese naman ay busy sa logbook.

" Yes sir, any minute darating na ang mga media." Ani ate reese.

" Ang mga pulis? Guards? Naka pwesto na ba sila? Magpatawag ka pa ng back up." Tanong muli ni papa. Nagpatawag din si tito antonio ng ilang pulis at guards kaya marami sila mamaya.

" Yes sir, nakatawag na po si Sierra ng  back up, anytime pwede po sila pumunta dito, may naka stand by na din pong ambulance sa labas kung sakaling may mangyari." Sambit ni Ate reese. Naka porma din sila. She's pretty. Nagmi make up na kami dito, Ali is not here by the way, may meeting pa daw siyang isa bago siya pupunta dito.

" Iha, natawagan mo na ba si Kielle? Baka mamaya ma late iyon." Sambit saakin ni mama. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa pagme make up nila saakin.

" Hindi ko pa po natatawagan, baka po kasi nasa meeting pa, magtetext naman po iyon kapag natapos na sila." Tumango si mama. Ilang minuto ang lumipas ay natapos na kami, light make up lang ang pinili ko sa akin. Naka office outfit lang ako. Sila mama naman ay bongga ang suot nila.

" Hello?"

" I'm on my way, love, see you there." Pinatay ko ang tawag.

Sinabi ko na kila mama na papunta na si Ali dito kaya nag ayos na kami.

" Pasabi sa MC na magsisimula na." Sambit ni Papa. Umalis si ate reese. Si sierra ay wala pa dito mula kanina, nasa labas siguro at busy sa mga tao doon.

" Ang sexy mo naman sa suot mo kumare."

" You look great also, Quena."

Lumabas na kami, paglabas palang namin ay panay flash ng media na ang sumalubong sa amin, ngumingiti kami at saka kumakaway.

" Let's all welcome, La Valse family and Melisande family."

Magkatabi na umupo si mama at papa, ganon din sila tito at tita sa kabilang side. Si Ali ay naaninag ko ng naglalakad sa likod ng mga media.

" Love." Hinalikan ni ali ang pisngi ko. At kita ko sa mga mata ng media ang hint nila sa ipapalabas namin sa presscon.

" Today, is the biggest press conference of all time, together with the La Valse and Melisande Family." Walang nagsasalita, hinawakan ni Ali ang mga hita ko. Tumingin naman ako sa kaniya.

" Why?"

" I love you."

Nagsalita ulit ang MC, sila ate sierra at ate reese naman ay nandon sa crowd dahil sila nanaman ang tatawag ng magtatanong.

" If you have some questions, you can now ask." Tumango ang MC kila sierra, parang sign ito na pwede na silang tumawag ng magtatanong.

" Ms. Cerinna and Mr. Alleandro, are you in a relationship right now?" Sambit ng unang reporter, wala kaming magawa ni Ali kundi sagutin. Pero bago pa magsalita si Ali, hinawakan na niya ang kamay ko at saka niya ipinakita sa media. Flash ng camera ang sumalubong sa amin.

" Yes, we're together." Napa ' ooh' ang ilan sa mga media. Tsaka nag flash ang camera nila.

" Is Ms. Cerinna that girl you are inlove with and you're talking about sa last presscon?" Tinignan ako ni Ali at saka ngumiti.

" Yes, Ms. La Valse is that girl."

Tumawag ng susunod na magtatanong, pero this time, sa mga parents naman namin ang tanong na ito.

" For the parents, ano po ang reaction niyo ng malaman na sila na nga po?" Tanong ng reporter na babae.

" Actually, me and quena is so happy with that--"

" Yes, hindi namin akalain na ang mga anak pa namin ang magkakatuluyan." Tumawa sila mama at tita quena. This is the happiest press conference ever.

" What about Ms. Ravel, Mr. Melisande?" Hinawakan ni ali ang mic, at saka hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

" I think she's fine, nagkausap na kami kanina." Agad na napalingon ako sa kaniya. At nagtaas ng kilay. Tumawa naman ang ilang nakakita sa akin.

" Ano pong masasabi niyo kay Ms. La Valse, Mr. Melisande?" Tumingin sa akin si Ali at saka ngumiti.

" I love her, and i will marry her." Sumandal ako sa dibdib niya. Nasabi naman na namin na kami na kaya pwede ng lumapit sa kaniya. Uminom ako ng tubig.

" How about the project? Nagiging busy po kayo doon, paano ang mga sweet moments niyong dalawa?" Tumingin ako kay Ali, ako na ang sasagot. Nag fa flash parin ang mga camera nila.

" Humahanap naman kami ng Alone time naming dalawa kahit na marami kaming ginagawa." Sambit ko. Si sierra ay ngumiti, tumawag nanaman siya ng susunod na magtatanong, tumayo ito at saka kinuha ang mic.

" Mr. Melisande, paano po kayo umamin kay Ms. La Valse na gusto niyo nga po siya?" Tumingin si Ali sa akin. Nginitian ko naman siya. Kinuha niya ang mic.

" Actually, maguumpisa palang kami sa project, inamin ko na sa kaniya." Tumango ang reporter. I am perfectly fine lying at Ali's arms.

" This is for the parents, what if Ms. La Valse and Mr. Melisande will get married? Sino na po ang maghahandle ng project nila?" Si tita quena naman ang naunang magsalita this time.

" Kapag kinasal naman ang mga iyan, siguro sila pa din ang mamamahala nito." Tumango kami ni Ali. Naramdaman kong nilapit niya ang bibig niya sa tainga ko kaya may sasabihin siya.

" I love you, Ms. La Valse--"

Nasindak kaming lahat sa putok ng baril na umalingawngaw sa labas ng building namin. Agad na nagsitayuan sila papa at tito. Bigla akong kinabahan. May isang babaeng nakangiting pumasok sa direksiyon namin.

" Ms. Ravel?!"

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon