" Magandang umaga po." Bati ko sa mga magulang ni Cassandra. Pumunta kami ni Ali, hindi naman kalayuan sa resort kaya ayos lang.
" Ms. La Valse? Mr. Melisande? Kayo po pala iyan-- pasok po kayo sa munti naming bahay." May kalakihan din naman ang bahay nila, kaya lang hindi pa gaanong ayos ang mga bintana at pintuan nito. Umupo kami sa binigay nilang silya.
" Andito po ako para sabihin na ako po ang magpapatuloy ng pag aaral ni Cassandra, ipapasok ko po siya sa isang university at saka magaaral po siya doon." Malumanay na sambit ko. Ngumiti ang mama niya, at saka umupo kaharap namin. May nag abot ng juice sa harap namin.
" Talaga po ba ma'am? Nako, hindi niyo po alam kung gaano ako kasaya, nais po kasi nitong si Cassandra na maging pulis balang araw, kaya gustong gusto po niyang makapag tapos, kaya lang sa hirap ng buhay ay napilitan siyang tumigil." Malungkot akong tumingin sa kanila. Ang mga kapitbahay naman nila ay nag kukumpulan sa gate nilang maliit. Hindi umaalis si Ali sa tabi ko.
" Ako na po ang bahala sa pag aaral niya, magbibigay din po pala ako ng tulong para mapatapos niyo na ang bahay niyo at magkaroon kayo ng konting negosyo dito." Napahawak sa bibig ang nanay ni Cassandra. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Para silang nanalo ng lotto ng makita nila kami, tuwang tuwa sila.
" Hindi po ito maliit na tulong Ms. La Valse, napakalaki na po nito para saamin, maraming salamat po." Ngumiti siya at saka niya hinawakan ang kamay ko. May kinuhaa kong sobre sa bag, may laman iyong tseke, may sign ko na din. Malaking halaga ang ibinigay ko sa kanila.
" Iyan po ang tulong ko, pwede niyo po yan ipalit sa bangko ng paunti unti para po hindi makuha ng iba." Tinanggap niya ito, at saka nahihiyang binuksan ang laman. Ng makita niya ay nanlaki ang mata niya.
" Nako! Salamat po talaga, Ms. La Valse, hulog po kayo ng langit saamin." Tumayo na ako, magpapaalam na din kami dahil maglilibot pa kami sa resort nila Ali. Nakipag kamay ako sa nanay niya.
" Gamitin niyo po sa maayos ang pera, nanay, kakausapin ko nalang po ang anak ninyo para sa mga requirements niya sa school." Ngumiti si Cassandra at saka yumuko ng bahagya. Tumango ako at saka hinawakan ni Ali ang kamay ko.
" Mag iingat po kayo Mr. And Mrs. Melisande." Natawa ako ng bahagya ng marinig ang sinabi ng kapatid ni Cassandra na lalaki. Nagpaalam na kami ni Ali bago kami pumasok sa sasakyan niya.
" Hear that? Mrs. Melisande? Ang sarap pakinggan." Sabi ni Ali ng makapasok kami ng sasakyan. Ngumiti ako.
" It is, so nice to hear."
Nakarating kami sa resort ule. Naglakad lakad lang kami, may mga puno dito ng niyog, kung saan nagbibigay ng shed sa ibat ibang lugar. May mga naka hang din na duyan. Para makapag relax sila.
" Are you tired? Just tell me okay?" Tumingin ako kay Ali. At saka tumango. Kinuhanan ko ng litrato ang kamay naming magkahawak. Napangiti ako sa naging resulta.
Pumunta kami sa bilihan nila ng mga pasalubong, namili ako kaagad. Si Ali naman ay nasa likod ko.
" Hi, marami ba kayong ganito?" Tanong ko sa babaeng naka assign sa pwesto na iyon, ngumiti siya bago tignan ang kukunin ko sana.
" Yes, Ms. La Valse, marami po kami niyan, pwede niyo din pong palagyan ng pangalan." Ito ang hinihingi ni Sierra. Mga keychains at damit. Kailangan pag lagyan ng pangalan niya para daw kunwari ay nilagyan ko ng effort ang pagbili nito.
" Pwede ba akong kumuha ng tig lima nitong keychain, sa first five ng keychain, pakilagyan ng Sierra ang bawat shells, sa kabila naman ay Reese." Sinulat ng babae ang sinabi ko at saka kinuha ang mga gagamitin niya.
" Noted ma'am, baka gusto niyo din po magpagawa ng t shirts--"
" Can i see the designs?" Tumayo siya at saka may ibinigay na papel sa akin. Pinili ko ang magkaibang design para maiba naman.
" Ganon ule, sierra at reese ang ilagay sa bawat tshirt." Ngumiti ito bago may inutos sa kasama niya, siguro iyon ang magpi print ng damit. Naging busy siya sa paglalagay ng pangalan sa mga shells. Hinintay ko iyon, nasa likod parin si Ali. Ilang minuto lang ay tapos na.
" Tapos na po lahat ma'am, bale ang babayaran niyo po ay 1,450 po lahat." Kinuha ko ang wallet ko, iaabot ko na sana ang cash na ipangbabayad ko ng kinuha ni Ali ang kamay ko.
" Why are you paying? You're not allowed to do that." Nagulat ang babae ng makita niya si ali at nakahawak pa sa kamay ko. Hindi pa niya siguro alam na girlfriend ako ni Ali.
" S- sir is she your girlfriend?" Ngumisi si Ali at saka umayos ng tayo bago nagsalita.
" She's my wife, now, go back to work-- let's go, baby.." Kinuha niya ang paper bag na dala ko. Ngumiti nalang ako sa babae kanina, halatang nagulat talaga ito. Hinawakan ni Ali ang kamay ko.
" Why did you do that? Kailangan kong magbayad, libre na nga ang pagpunta ko dito e--"
" Shut it, Ms. La Valse, this resort will be yours too. Don't start a fight." Tumango ako. Hanggang kwarto namin ay dala niya ang paper bag, nilapag niya lang iyon ng maupo siya sa kama. I'm so tired too.
" Tomorrow is our last day in here right?" Sambit ko. Tumango siya.
" Yeah, you want to extend the vacation here?--"
" No, I'm fine, may tatapusin pa din ako sa opisina e." Tumango siya. He smiled at me. Nagtanggal siya ng relo niya. Gusto ko ding mahiga. Kaya tumabi ako sa kaniya.
" You're tired?" Tanong niya. Pinagapang niya ang kamay niya sa beywang ko bago ako niyakap.
" Yeah, i'm tired. So much." Hinalikan niya ang braso ko. Sunod sa noo ko, sa magkabilang pisngi ko, sa tungki ng ilong ko, sa leeg ko, at saka sa labi ko. Hindi ko namalayang nasa taas ko na pala siya. Gumapang ang mga kamay niya sa aking pang ibabang suot.
" Papagudin pa ba kita?"
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceTotoo kayang kapag nagmahal ka, at na-attach ka sa taong iyon, mahirap mo siyang makalimutan? Totoo kayang kahit matagal na kayong nagkahiwalay nang landas ay may panahon na siya parin ang hanap-hanap mo? Mahirap nga namang makalimutan ang isang r...