" Paki ayos ang paglalagay!" Nakangiti kami habang inaayos nila ang malaking picture frame na inilalagay sa bungad ng building namin. Lahat kami ay andito, pinapanuod na mailagay ang mga iyon.
" Napakaganda, mama." Sambit ni Alexandria kay mom. Nagngitian silang dalawa. Lumalaki na ang tiyan ng asawa ko, kaya hindi na muna ako pumapasok. Sila mama muna ang namamahala sa kompanya. Inaalagaan ko ang asawa ko.
" Sa kompanya ninyo, lalagayan din ng ganiyan, Anak." Paliwanag ni mama. Isang napakalaging picture frame ang ikinabit nila. Litrato namin iyon nung kasal namin. Napakagandang tignan kapag papasok ka ng building.
Magandang bungad.
" Who's this girl, Mr. Buencamino?" Nanlalaki ang mata kong tinignan ang babaeng katabi ni Jackson. Maging ang asawa ko ay nagulat din.
" She's my girlfriend." Nanlaki ang mata ng asawa ko sa sinabi niya. Agad naman akong nakipag apir. Nakangiti lang ang babae sa amin at walang imik.
" That's good, jackson, congratulations!" Bati ng asawa ko sa kaniya.
" Love?" Malambing na tawag saakin ng asawa ko pagdating namin sa bahay, nakatingin ito sa salamin.
" What's the matter?" Humarap ako sa kaniya pagkatapos kong hubarin sa aking kamay ang suot kong relo. Inilapag ko iyon sa lamesa.
" Everyday, mas lalong lumalaki ang tiyan ko, I'm not sexy anymore." Nakabusangot na sambit ng asawa ko sa harapan ko. Tumawa ako. Maingat kong hinigit ang kaniyang beywang at saka hinalikan ang kaniyang noo.
" After you give birth, you'll be that fucking sexy again, love, don't worry, you're beautiful everyday.." Napangiti siya. Ang kaniyang ngiti ang nag aalis ng aking pagod. Lalo na kapag nadadatnan ko siyang nakatitig saakin kapag gigising ako sa umaga. Napakasarap sa pakiramdam.
" What do you want for dinner, Alleandro?" Tumingin siya saakin bago siya tumingin sa aming ref. Lumapit ako sa kaniya.
" I'll cook for our dinner, you should rest." Hinawakan ko ang kaniyang beywang. Humarap siya saakin. Sinukbit niya ang kaniyang kamay sa aking leeg.
" I'm so lucky to have you, Kielle. But, let me cook for you, for the last time before I rest, okay?" I chuckled. I looked at her.
" Okay, but I'll help you.."
Everyone is so busy this past few weeks. Nakapag grocery narin kami ng kakailanganin sa panganganak ni Alexandria. I'll be there anyway. I'm nervous.
" Kapag nanganak na si Alexandria, lagi ka ng puyat, Kielle, kailangang magpahinga ni Alexandria.." Paliwanag ni mom saakin. Lagi nila kaming pinapayuhan ni Alexandria, and I'm so thankful for that.
" I know mom, I'm getting ready, I'm so excited to meet my baby, mom."
" Your baby is a girl, Mr. And Mrs. Melisande." Nakangiti kami habang nakatingin sa monitor dito sa OB niya. Hindi pa naman niya kabuwanan ngayon. Pinacheck lang namin ang gender ng bata.
" See? I told you, it's girl, Kielle. I won!" Masayang sambit ng asawa ko. I kissed her lips. Saka ako ngumiti. I wanted to cry, but i can't. Malapit ko ng makita ang anak ko. At excited akong alagaan siya, sila ng mommy niya.
" Hello, avril? Look for a Party Organizer, We'll do the gender reveal on Tuesday." Sambit ko sa telepono. We should do it, and i want to do it. Gusto kong maranasan ang mga iyon. At saka ang maternity shoot niya ay naka schedule na rin.
" Sir, the invitations for the gender reveal party is now all set. Naibigay na po namin sa lahat ng gusto niyong pagbigyan.." Paliwanag ng sekretarya ko. Tumango ako.
" Good, all of you in the building are invited also.."
Ilang araw na akong excited sa panganganak ng aking asawa. Nahihirapan nga akong matulog dahil baka anytime ay manganganak na siya. Nagpa standby din ako sa labas ng aming bahay ng ambulansiya.
" Daddy! Can't you catch me?" I was running in our garden and trying to catch my stubborn daughter. She's so pretty like her mom.
" Alessandra, common, Daddy is tired, you should take a shower, we are going to your lola's house." Malumanay na sambit ko. Ayaw pa niyang maligo, gusto pa niyang maglaro. Ang mama naman niya ay nasa loob at naghahanda ng pagkain namin sa byahe.
" But daddy, i want to play, i don't want to go there, i want here." Napangiti ako. Lalapit na sana ako sa kaniya ngunit tumakbo nanaman ito.
" Alessandra, your mom will get ma--"
" Mommy is not mad, you're kidding daddy, she's nice.." Nakabusangot na sambit nito. She's 6 years old by the way.
" Common, your lola's are waiting for you."
" Alessandra, apo!" Tumakbo ang anak ko palapit sa lola niya bago niya hinalikan ito sa mga pisngi. Tuwang tuwa sila mama ng makita siya.
" Lola, can i have some chocolates? Daddy don't want me to eat those, because mommy will get mad-- b-but mommy is nice.." Napatawa kaming lahat sa sinabi niya. Magkakaroon kami ng family picture ngayon, at kasama na si Alessandra.
Alessandra Athaliah Melisande.
" You can have that when we're finish taking some pictures, apo, is that okay?" Napatingin ako sa asawa ko. She looked at me while smiling. Niyakap ko siya sa likod.
" Wife, I'm so happy right now.." Nilingon niya ako. Hinalikan ko ang kaniyang labi.
" I know love, i can see it in you eyes. I love you, Mr. Melisande." Tinignan namin ang anak namin na inaayusan ng kanilang lola. Sila na daw ang mamimili ng damit ni Alessandra para sa picture taking mamaya.
" Ready na po ba ang lahat? Upo lang po kayo dito sa may sofa, aayusin na po natin ang set up.." Isa isa na kaming umayos ng upo sa sofa. Nasa gitna ang anak namin, nasa likod naman kami ni Alexandria.
" Okay, 1, 2, 3!" Ngumiti kaming lahat sa camera. Nag flash naman iyon. Nakita kong nakangiti ang anak ko. Hinapit ko ang beywang ng asawa ko.
" Isa pa po, yung serious face naman po."
" 1,2,3!" Nag flash ang mga camera nila. Tatlong camera ang nakatutok saamin.
Hindi ko akalain na magiging ganito ako kasaya simula ng makilala ko ang asawa ko. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng ganitong pamilya, pero ginawa iyon ni Alexandria.
" Isa pa pong pose, yung nakatingin po sana kayong lahat kay Ma'am Alessandra.." Umayos kami ng tayo at saka humarap kay Alessandra. Lahat kami ay nakangiting nakatingin sa kaniya. Hinigit ko ang beywang ng asawa ko at saka may ibinulong sa kaniya bago mag flash ang camera.
" I love you, Mrs. Melisande.."
End.
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceTotoo kayang kapag nagmahal ka, at na-attach ka sa taong iyon, mahirap mo siyang makalimutan? Totoo kayang kahit matagal na kayong nagkahiwalay nang landas ay may panahon na siya parin ang hanap-hanap mo? Mahirap nga namang makalimutan ang isang r...