" This is avril, my secretary." Pakilala ni Mr. Melisande sa sekretarya niya, feeling ko, wala akong karapatan na tawagin siyang ali dahil hindi pa naman kami masyadong close.
" I am sierra, sir, nice to meet you again." Nakangiting sambit ni sierra at naglahad ng kamay kay Mr. Melisande, tinanggap naman niya iyon kaya naman ang laki ng ngiti ni sierra.
Naglibot kami sa buong building, hindi ko alam kung first time niya dito pero sana oo, para naman hindi siya magsawa sa view ng building namin.
" First time mo ba dito?"
" Yeah, thank you for being my tour guide at this moment." Ngumiti ako sa kaniya, nasa likod lang namin ang mga sekretarya namin, naguusap nadin sila, siguro nagkakamabutihan din. Sabay kaming tumingin sa kanila ng makakita ng maganda spot para mag usap usap, may isang sulok kasi dito na panay benches.
" You want to talk for a while? There!, jan muna kayo"
" Sir, paano kayo?" Tinignan ni Mr. Melisande ang isa pang bench at saka tinuro iyon sa sekretarya niya. Magkatabi lang naman ang mga ito kaya di kami mahihiwalay sa kanila.
Inalalayan niya akong umupo, naka skirt kasi ako kaya medyo maingat sa pag upo.
" Are you tired?" Tinignan ko siya sa mga mata at saka umiling. Naka distansiya din siya saakin, gentleman nga talaga.
" Can i ask you? A favor?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano naman kaya yon?
" Anything, ano ba yon?" Umayos siya ng upo at saka tinignan ako ng mataman sa aking mga mata.
" Can you call me ali? Wag ng Mr. Melisande." Tumango tango naman ako ng mapagtanto iyon, akala ko talaga hindi niya magugustuhan yung nickname na ginawa ko for him.
" Hindi ko alam na magugustuhan mo yon, ang awkward din kasi kapag Mr. Melisande nalang palagi." Tumawa kaming dalawa. Maya maya, may dumating na mga guwardiya niya. Tumayo na ang sekretarya niya na si avril at saka si ali. Ali na daw sabi niya e.
" Sir, we have to go, you have an appointment." Nakita kong nagpaalam na si avril kay sierra, at sumama na siya sa mga guwardiya. Hinila naman ni ali ang kamay ko.
" Ihahatid na din kita." Gaya ng ginawa niya dati, nasa likod kami, wala naman sigurong makakakita na. Wala naman na daw ang mga media kaya ayos lang iyon.
May mga gwardiya na nakapalibot saamin habang naglalakad, may mga empleyado din ang nakakakita saamin.
" Ingat kayo, sorry sa abala." Sambit ko. Nauna ng sumakay ang sekretarya niya.
" No, walang may kasalanan, see you tomorrow." Kumaway ako at saka hinintay na makaalis sila. Nasa likod ko si sierra pero hindi ko pinapansin. Nanatili akong naglalakad hanggang opisina. Naririnig kong nagsasalita mag isa si sierra sa likod ko.
" Hey, kanina ka pa nag sasalita mag isa dyan a."
" Paano ba naman kasi? Amoy na amoy parin sa kamay ko yung pabango ni sir alleandro kanina!" Kinikilig na sambit niya habang naglalakad kami papunta sa opisina ni papa, tapos na siguro ang meeting niya.
" Mukhang nag enjoy kasama ang isang melisande a?" Naupo ako sa sofa at nagpakuha ng pagkain kay sierra.
" Pa, nilibot ko lang siya sa building, umalis na po pala siya--"
" Yeah, his secretary just texted me, babalik daw sila bukas." Tumango ako, bakit ba kasi hindi na magsanib pwersa ang mga melisande at kami? Para hindi na magkagulo pa ang mga tao? Ano ang dahilan bakit ayaw nila? Or sino ang may gusto? At sino ang may ayaw?
Hmm?
" Kamusta ka anak?" Pagdating namin sa bahay, nag aalalang mukha ni mama ang sumalubong saakin. Napanood niya siguro sa tv ang mga nangyari kanina. Kaya naman bakit ganito nalang siya kung mag alala.
" Ma, ayos lang po ako, sinigurado po iyon nila papa at ali." Papasok kami ngayon sa sala. Agad na napagtanto ko ang sinabi ko, kita ko naman ang paiiba ng expression ni mama sa sinabi ko.
" Ali? Melisandes heirs, right?"
" Yes ma, alleandro." Nagkatinginan si mama at papa habang nasa sala kami, hinihintay namin maluto ang ulam na pinahanda ni mama. Siya naman talaga ang nagluluto, siguro dahil sa pag aalala ay nakalimutan na niya kaya pinaluto niya na lang ito.
" I smell something--"
" Ma, pati ba naman ikaw?--"
" I smell something about sa ulam natin anak, mabango siya, luto na siguro?" Tinanggal ko ang aking heels na suot at saka ako sumandal sa sofa. Bukas ay nandoon nanaman siya, siguro may pag uusapan sa ni papa.
" Ano naman ang pinagusapan niyo sa secret room natin, anak? Naiwan daw kayo kaninang dalawa doon pati sa meeting room, sabi ni sierra saakin." Napapikit ako sa narinig. Pati ba naman dito sa bahay ichichismis niya na nandoon si ali sa building? Argh.
Si papa ay nauna ng umakyat para magpalit, samantalang ako, hindi makaalis dahil sa kwento ni mama.
" Ma, what about that? Si sierra ang may gusto kay Mr. Melisande, okay?, hindi ako."
" Okay, i'm sorry, paano ba naman kasi, sa edad mong iyan, nagfi first move na ang papa mo noon saakin." Sambit ni mama. Oh, ilang beses na niyang na kwento saakin yan, hanggang ngayon parin ba?
" Ma, can i go upstairs na? Magpapalit pa po ako ng damit."
" Hmm, okay, tatawagin kita kapag kakain na." Binitbit ko ang heels ko pataas ng kwarto ko. My room color is just white and gray, hindi naman kasi ako nagtatambay sa kwarto ko, pero kapag may oras, papalitan ko na ito ng kulay.
Naligo ako at nagbihis ng pantulog ko, hindi pa naman ako tinatawag ni mama kaya naman nahiga muna ako saglit para makapag pahinga. Naayos ko na din ang mga gamit ko para bukas.
" Hello? Who's these?"
" It's sierra." Umayos ako ng upo ng marinig ang pangalan niya. Anong oras na ay tumatawag parin siya.
" What now?"
" Check your phone, magagalit ka panigurado, even your papa." Pinatay ko ang tawag at saka binuksan ang nag iisang unread sa email ko.
Napahinga ako ng malalim sa nababasa.
May ilan lang naman na litrato namin ni Mr. Melisande na nakuhanan, noong hinapit niya ako sa beywang ng papasok kami sa secret room.
" What a mess, damn it!"
BINABASA MO ANG
Still Into You
Любовные романыTotoo kayang kapag nagmahal ka, at na-attach ka sa taong iyon, mahirap mo siyang makalimutan? Totoo kayang kahit matagal na kayong nagkahiwalay nang landas ay may panahon na siya parin ang hanap-hanap mo? Mahirap nga namang makalimutan ang isang r...